кαιвιgαn

44 2 0
                                    

Aking kaibigan... Iyo bang nararamdaman ang sakit na aking pinagdadaanan.

Siguro nga kaibigan lang kita pero tandaan mo Minahal parin kita.

Hindi mo man napapansin ngunit gusto kong ako'y iyong ibigin.

Siguro kapag kasama kita tila langit ay nagsasaya. Sana.. maramdaman mong.. Mahal kita.

Ngunit isang gabi'y dumating nalaman kong hindi ako ang 'yong iibigin.

Masakit para saakin ngunit masaya na masaya ka na rin.

Bawat araw na dumadaan parang ako'y iyong nalilimutan.

Siguro nga kaibigan lang ako pero parte parin ako ng buhay mo. Ako yung taong nagpasaya sayo nung mga araw ng kalungkutan mo pero ngayon ako'y kinalimutan mo.

Nalaman ko... minahal mo daw ako.. maniniwala ba ako... o.. kakalimutan na lang ang nararamdaman ko.

Noon pangarap ko na sana balang araw maging tayo. Ngayon ang gusto ko mahalin mo nalang ako kahit di bilang ka-ibigan kahit kaibigan mo nalang..

Kaibigan.. sana walang kalimutan mahirap kasing makalimutan ng taong iyong binigyan ng puso mong di pinahalagahan...

Short Spoken Poetrys.Where stories live. Discover now