IF I SAY I LOVE YOU WOULD YOU SAY IT BACK?

397 8 3
                                    

ONE:MALING AKALA

Kakapa-kapang kinuha ko yung alarm clock sa tabi nang kama ko para patayin yung alarm nito.ayaw ko nga sanang bumangon ang kaso nang mapatitig ako sa alarm na hawak ko,halos mahulog ako sa kama sa pagmamadali

"waah,late na ako"

Nagmamadaling pumasok agad ako ng banyo para maligo,mabilisang ligo na ang ginawa ko at nang makatapos at makapag handa na para pumasok,kumuha nalang ako nang isang slice ng bred sa kusina at nagtatakbo na palabas.

May sinasabi pa nga si Mama na hindi ko na inintindi dahil ilang beses na akong nalalate sa klase.Patay na naman ako sa prof ko kung sakali.Mabilis akong nakasakay ng bus na paparating.Nakakapagod tumakbo pero ayos lang para hindi malate.

Nasa bibig ko pa yung slice ng bred na kinuha ko,kagat-kagat ko dahil inaayos ko yung bag ko.Haai..yung mga kaibigan ko nga sinasabihan akong para daw akong hindi babae kung mag kikilos,siguro lang kasi dahil sa isang dahilan na hindi ko masabi-sabi sakanila.

"Goodmorning.."bati ko sa mga kaibigan ko ng makapasok ako ng classroom namin,Mabuti nalang at hindi ako nalate

"eto yung notebook na hinihiram mo,nandyan na lahat nang kokopyahin mo,ikaw talagang babae ka,sarap mong tadyakan"natawa lang naman ako sa sinabing iyon ni Aemii

Isa yan sa mga close friend ko,Yung isa si Erin na paparating na para siguro dakdakan din ako.Sanay narin naman ako sa mga ito at sanay narin ang mga ito sa ugali ko.Matakaw,Magulo at higit sa lahat masayahin na katulad nila.

Nag start na yung klase nasa eleven grade na kami ngayon.isang taon nalang gagagraduate na kami.sa wakas!Ang tagal din ng ginugol namin dito sa high school kung bakit kasi pinatupad pa yung hanggang 6 years kang mag-aaral ng high school.

Pero hayaan na nga.move on move narin sa ganung patakaran pag may time.basta ang mahalaga,masaya at walang problema ang buhay ko at higit sa lahat breaktime na.yay!

"Grabeh,Carmella hindi kaba titigil sa katakawan mo,ang dami mo na namang binili"

"Hay,nakuh!Aemii wala na tayong magagawa sa babaeng yan,hayaan muna sa ganyan nalang yan nagiging masaya."

"Buti pa itong si Erin naiintindihan ako,"inismaran lang naman ako ni Aemii na kinatawa ko nalang

"hindi ko akalain na maganda pala si Carmella lalo na pag ngumingiti"

"oo nga pare diba section 2 yan ng 11 grade"napangiwi naman ako sa narinig kong usapan nung dalawang lalaki

Ayaw ko pa naman na may nagsasabi sakin ng ganun,kasi naman!Ayoko kasi ano..Basta,Agad ko tuloy kinagatan yung tinapay ko na may palaman na sausage ng malaki at para ma turn off sila sakin,binuksan ko pa yung isa pang cheescake na binili ko at sinubo lahat sa bibig ko

"ayos sana siya pare,kaso nakaka turn off kumain,tara na nga!"natawa lang naman ako sa narinig kong iyon,pag lingon ko naman sa dalawa kong kaibigan naiiling nalang ang mga ito sakin

"wala na kaming masabi"naiiling na sabi ni Aemii at naglakad na palabas ng canteen

Sumunod lang naman ako sa dalawa habang hawak ko yung isang plastic nang pagkain na binili ko sa canteen.yung tinapay naman na may palaman na sausage ay kinakagatan ko.muntik ko pa ngang mabitawan nang mabunggo ako nung isang estudyanteng lalaki

Mabuti nalamang at nasalo niya at binigay sakin.nakatungo ito at natatabingan ng mahabang buhok nito ang mga mata nito kaya hindi ko gaanong makita yung mukha.bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko itong mag salita.

"sausage at tinapay?walang kwentang pagkain."nanginig talaga yung tuhod ko at nasundan ko ito ng tingin habang naglalakad palayo

Hindi ako maaaring magkamali,ang boses na iyon,ang paglalakad na iyon.siguradong siya yun.napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan nang magtanong ang mga ito kung bakit ako tumigil

"ah,may nakalimutan pa pala akong bilhin,sige una na kayo!"hindi ko na hinintay na sumagot ang mga ito at nagtatakbo na ako para habulin yung lalaking nakabangga sakin kanina

Alam ko siya yun.Hindi ako maaring magkamali si Dylan yun.Halos mapatingin sakin yung mga nakakasalubong ko sa pagmamadali kong bumababa ng hagdan,Pababa kasi at mukhang sa groundfloor ang tinutumbok ng daan nito

Tatlong taon.Tatlong taon ko siyang hindi nakita,Dylan bakit?Bakit hindi ka sumipot sa usapan nating dalawa.Ikaw yung nagyaya sakin na magkita tayp nun,tapos..tapos.shet!naiiyak ako pag naaalala ko yung time na yun.

Hapong-hapo na napahawak ako sa dalawang tuhod nang makarating ako nang groudfloor nang school.nakita ko siyang naglalakad paputang gym.bubuka na sana yung bibig ko para tawagin siya nang may biglang timawag ditong lalaki mula sa likuran ko

"James!"biglang tumigil sa paglalakad yung lalaking sinusundan ko at lumingon

Ngumiti ito dun sa lalaking tumawag dito.nag apiran pa ang dalawa nang magkalapit ang dalawa.napahawak naman ako sa dibdib ko at napabuga nang hangin.Mali pala ako,akala ko si Dylan na.Akala ko siya na.

Pero kasi,magkaparehong-pareho sila,kung tutuusin nga hawig sila,pero siguro nga mali ako.inakala ko na naman siyang siya yung nakita ko.ganun siguro talaga dahil hanggang ngayon siya lang yung nag-iisang lalaking minahal ko.

~~~~~~~~~to be continued~~~~~~~~~~

If i say i love you would you say it back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon