THREE:THE PAST
Nung gabing iyon hindi ako nakatulog,Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko yung mga sinabi sakin ni Dylan.Patulalang tumihaya ako nang higa at tumitig sa kisame habang yung kanan kong braso ay pinatong ko sa noo ko.
Paulit-ulit din na nagtatanong yung utak ko sa mga bagay na alam kong mahihirapan akong bigyan kasagutan dahil parang ang hirap-hirap na niyang mahawakan at makausap.Hindi ko rin maiwasan na maalala kung pano kami nagkakilalang dalawa.
Third year high school ako nun at nagmamadali akong pumasok dahil malalate na ako.Bawal kasi ang late sa school namin.Tiyak na mapaparusahan ka pag nahuli ka nang teacher na naka assign na manghuhuli nang mga late.
Sakto naman na punuan yung mga bus na dumaraan kaya wala akong masakyan,Pinag-papawisan na nga ako dahil sa matinding tense.First time ko kasi kung sakali na maparusahan kung malalate ako.
Pero hindi nakisama sakin yung magandang kapalaran nun.nalate ako nang pasok at nakita kong nag-aabang na yung teacher na magpaparusa sa mga late sa may gilid nang gate nang school namin.
Ang lakas-lakas nang kaba ko nun dahil parang ako lang yung late nang time na iyon.patungong naglakad ako papasok nang school,Nakikinita ko na kasi yung mangyayari sakin,Ang sabi kasi nang mga classmate kong naparusahan dati na patatayuin ka raw nang 30 minutes sa oval na may hawak na tig dadalawang libro sa dalawang kamay.
Take note makakapal daw yung libro kaya siguradong ngalay ka pag katapos,Isama pang nasa initan ka nung mga oras na iyon.Kahit nga raw umuulan walang patawad yun.Ganun daw kalupit magparusa yung teacher na nanghuhuli nang late,Pag nga raw dalawang beses ka niyang nahuli na nalate sa isang linggo magiging isang oras na yung pagtayo mo at yung libro magiging tig-tatatlo
Hais!Parang gusto ko na tuloy umuwi pero kasi may test kami sa dalawang subject.Malapit narin kasing magtapos yung school year kaya kailangan nang mag sipag.Tumitindi yung lakas nang kaba ko nang makapasok na ako mismo sa school at napatingin sakin yung teacher na nanghuhuli nang late
Gulat na napatingin naman ako sa humablot sa braso ko.Hindi makapaniwalang napatitig ako sakanya nang matagal.Kilala ko yung lalaking may hawak aa braso ko ngayo ,Ang kaisa-isang lalaking hinangaan ko at naiiba sa lahat nang lalaking kinaiinisan ko
"Hawakan mo ito"napakunot noo naman ako ng inabot sakin nito yung zerox nang mga test paper
"Para saan?."Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang lumapit samin yung teacher na nanghuhuli nang late
"Kayong dalawa,Sumama kayo sakin!"Halata mo yung pagka strikto nang teacher na nanghuhuli samin
"Sandali lang Sir!"
"Bakit Mr.Romualdez?"Hindi naman nakakagulat na kilala ito ng teacher na iyon kasi sikat ito sa pagiging matalinong estudyante aa school
"Ako lang po ang late at hindi siya kasama"Pagtuturo nito sakin na kinagulat ko
"Gusto mo bang maniwala ako sa sinasabi mo?Halata naman na nalate siya"
"Hindi Sir,Nagkakamali kayo,inutusan lang siya ni Sir,Perez na magpa zerox nang test paper sa labas dahil nasira yung zerox machine nang school."Hindi naman ako nakaimik nun
Tinitigan lang ako nung Teacher pagkatapos ay pinasunod na sakanya si Dylan yung lalaking nag ligtas sakin.Gusto ko nga sanang mag-salita pero inunahan ako nito.
"Class A,sa second floor paki bigay mo nalang yan kay Sir,Perez!"Mahina lang yung pagkakasabi nito siguro para hindi marinig nung teacher

BINABASA MO ANG
If i say i love you would you say it back?
Fiksi RemajaPROLOGUE Ilag ako sa mga lalaki,ayaw na ayaw ko nga sa mga ugali nila Pero nabago yun nang una ko siyang masilayan Iba siya sa lahat,tahimik,hindi katulad ng iba na mayabang at puro kalokohan ang alam Kaya nang nabigyan ako ng pagkakataon na makausa...