IF I SAY I LOVE YOU WOULD YOU SAY IT BACK

113 6 4
                                    

TWO:CRY

Kinabukasan nakita ko na naman siya sa hallway ng school,nakapamulsa itong naglalakad.pag natititigan ko nga siya hindi ko maalis na ipagkumpara si Dylan sakanya kasi kamukhang-kamukha niya talaga si Dylan,ang pinag kaiba nga lang mahaba na ang buhok nito at medyo tumangkad at nag matured na.

Bigla naman akong napatungo nang bigla itong mapatingin sakin.madaraan kasi ako nito.Nang lumampas nga ito habol tingin ako sakanya,Hindi pa nga sana mawawala yung pag habol tingin ko dito kundi lang ako tinapik ni Aemii

"hoy!sino bang tinatanaw mo dyan?"

"ah,wala naman!"

"wala ba?oh siya tara na at malalate na tayo sa klase"tumango nalang ako at sumabay na sa paglalakad kasama nito

Pag dating naman nang breaktime as usual madami na naman akong pagkain na binili na kinailing na naman nang dalawa kong kaibigan.ngumiti na nga lang ako nang pagkatamis-tamis sa dalawa

Napatigil na naman ako nang paglalakad papuntang room nang makita ko yung kahawig ni Dylan na nakapamulsang nakikipag-usap sa tatlong lalaking estudyante na kasama nitong nakatambay sa hallway

Yung pag ngiti niya,bakit ganun?pakiramdam ko siyang-siya talaga.katulad kanina nahuli na naman niya akong napatingin sakanya kaya nagkunwari akong binubungkal yung supot na pinaglalagyan ko nang pagkain na binili ko sa canteen

Nang makasiguro akong hindi na ito nakatingin ay nag tuloy na akong maglakad kasama si Erin at Aemii.Pero sa gilid nang mata ko pinagmamasdan ko parin siya,Ano nabang nangyayari sakin?hindi ko na maintindihan,Madalas kasi na parang nakikita ko si Dylan sa katauhan nang iba.

Siguro lang kasi dahil tatlong taon na hindi ko na siya nakita.Tatlong taon na wala akong naging balita tungkol sakanya.hais!pinokus ko na nga lang yung sarili ko sa pagkain at pagtuturo nang teacher ko.

Wala naman nangyaring kakaiba sa loob nang ilang oras na pakikinig sa mga teacher namin,naiba nga lang nung uwian na at naiwan ako para tulungan yung teacher ko na mag check nang mga test paper.

Mag-isa tuloy akong uuwi kasi mauunang umuwi yung dalawa kong kaibigan.May pupuntahan daw kasi sila.Ayos lang naman yun sakin.halos 5:00 na nang hapon nang matapos kami nang teacher ko at makalabas ako nang room.4:30 kasi ang uwian namin

Pinasya ko nga munang dumaan nang park,Gusto ko lang puntahan yung lugar kung saan una ko siyang nakausap at nakilala.Ang taong iyon ay walang iba kundi si Dylan.Sakto naman nang makababa ako ng bus nakita ko yung pinagkamalan kong si Dylan na naglalakad papunta sa lugar na nakilala ko si Dylan noon

Bumilis nang mabilis yung tibok nang puso ko nang makita ko ito,Bumilis din yung mga hakbang nang paa ko nang makita ko itong medyo lumalayo na sakin.Halos tumakbo na nga ako para lang maabutan ito.

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang makarating ako sa parang waiting shed at makita ko itong nakatayo doon at patalikod na nakapamulsa sakin,para bang pinagmamasdan nito yung naggagandahang mga bulaklak sa lugar na pinagkakapwestuhan namin sa park.

"Dylan?"pumihit ito paharap sakin,ngumiti lang ito nang konti

"James ang pangalan ko,hindi Dylan?"bigla akong nakaramdam nang pagkakapahiya at parang naiiyak na nag salita

"Ganun ba?pasensya kana,akala ko kasi..akala ko kasi ikaw yung kakilala ko"patungong pumihit ako patalikod dito

Maglalakad na sana ako paalis sa lugar na iyon nang marinig ko itong mag-salita na halos ikaiyak ko na talaga.

"maganda talaga ang kalangitan pag papalubog na ang araw"ang sinabi niyang iyon,ganung ganun din ang sinabi sakin ni Dylan nang una kaming magkita

"Dylan?ikaw nga.."ngumiti ito na kinapitlag lalo nang puso ko

"ilang buwan narin akong nasa school niyo pero ngayon mo lang ako nakilala"

"hah?"wag niyang sabihin na kaya pala parang pakiramdam ko may nakikita akong laging kamukha niya yun pala siya pala yun

"Ang laki na nang pinagbago mo!"

"kung makapag salita ka parang hindi ka nagbago ah,Ang laki-laki narin kaya nang pinagbago mo"umupo naman ito at tumanaw lang sa kalangitan

"Nagbabago ang tao pero parang mas malaki ang pinagbago mo dati kasi tahimik ka lang pero ngayon iba na.."sumimangot lang naman ako dito

"ikaw nga dyan!Ano bang nangyari saiyo at.."napatigil naman ako sa pagsasalita nang bigla itong tumayo at humarap sakin

"Ayaw mo parin ba sa mga lalaki?"napatitig lang naman ako ng ilang segundo bago ito sinagot

"Oo..Parang ganun!pero ikaw kasi iba ka,iba ka sakanila,iba ka kasi...gusto.."Naputol yung sasabihin ko nang bigla itong sumagot na kinabigla ko

"Mahal din kita pero hindi na natin maibabalik yung nakaraan nating dalawa."

Nung mga oras na iyon parang tumigil sa pag tibok yung puso ko,Para bang namatay ako nang araw na iyon dahil sa sakit na naramdaman ko.Siya lang yung lalaking minahal ko,Siya lang ang nabubukod tanging hindi ko kinainisan dahil ayoko sa mga lalaki

Pero bakit ganun?Bakit hindi manlang niya ako hinayaang..napatakip nalang ako sa bibig ko,Pabigla nalang kasing tumulo yung luha ko,Nakakahiya na makita niya akong ganun pero hindi ko napigilan,Tatlong taon na hindi ko siya nakita,Tatlong taon na nag hahanap ako nang kasagutan kung bakit..kung bakit hindi siya dumating sa tagpuan naming dalawa

Napahawak naman ito sa noo nito na parang hindi alam yung gagawin sakin kasi bigla akong napaiyak,Lumapit ito sakin at hinawakan yung ulo ko na tipong ginugulo-gulo yung buhok ko.

"Hai!wag ka ngang umiyak,para kang bata!"

"pasenya na hindi ko kasi...Hindi ko kasi.."

"kalimutan na natin ang nakaraan,mag pokus na tayo sa buhay natin ngayon,mag-iingat ka sa pag-uwi"humakbang na ito paalis pero tinawag ko ito

"Pero Dylan.."tumigil naman ito at hinarap ako nang nakapamulsa

"isa pa nga pala,James na ang pangalan ko at hindi Dylan."hindi na ako nakasagot sa sinabi niyang iyon

Pinagmasdan ko nalang siya habang humahakbang palayo sakin,ibang-iba na siya sa Dylan na nakilala ko noon.ibang-iba na parang sobrang layo na niya saki ..

*******((to be continued))*******

If i say i love you would you say it back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon