FOUR:I'M NOT DYLAN

118 6 1
                                    

FOUR:I'M NOT DYLAN

"waaah..malalate na naman ako"

Patakbo na naman akong pumunta nang banyo para maligo,Kung bakit kasi pinuyat ko yung sarili ko sa pag-alala nang nakaraan naming dalawa ni Dylan.Nakakainis,Ngayon pa naman yung time na may teacher na mang hahunting nang late

MWF yung schedule nang teacher na manghuhuli nang late.Same lang naman yung school ko dati kaso dahil nga nasa eleven grade na kami iba na kami nang building at iba narin yung gate na dinadaanan namin.

Hindi na naman tuloy ako nakakain nang matinong almusal dahil sa bus na naman ako magngunguya.Napapadalas na pagiging late ko,Sinusuwerte lang na hindi ako natatapat sa MWF na may bantay na teacher.

Pero ngayong araw mukhang mapaparusahan ako.Wenesday kasi ngayon kaya may manghuhuling teacher.shete!Pag sinusuwerte ka nga naman.Bahala na nga,Pagbaba ko ng bus huminga lang ako nang malalim at naglakad papasok nang school

Ahai..Parang gusto kong umatras pero hindi na pwede nakita na nga ako nung teacher at nakahanda na akong bungangaan at lapitan.Magtatakip na nga sana ako nang tenga nang mabaling yung tingin ko sa lalaking malapit na sakin

"Mr,Romualdez late kana naman?Wala kana bang pagbabago?"Napataas naman yung kilay ko sa sinabing iyon nang teacher

Si Dylan palaging late sa klase?Parang impossible kasi palagi itong maagang pumapasok.Napahawak lang naman ito sa ulo nito at tatawa-tawa lang sa pag bubunganga nung teacher na nanghuhuli.

"at,ikaw!"Pag tuturo sakin nung teacher "Sumama kayong dalawa sakin"

Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa teacher habang kasabay ko ring naglalakad si Dylan,Tinignan ko nga ito,Ang seryoso na kasi nang mukha nito habang nakapamulsa yung isang kamay na naglalakad.

Ganun parin naman yung set-up nang pag paparusa nila.patatayuin ka sa oval nang kalahating oras habang may dalawang libro sa kamay.Kaming dalawa lang ni Dylan yung bukod tanging estudyanteng naparusahan.

Makulimlim nung mga oras na iyon para bang uulan,Pero sana huwag naman dahil tiyak na basang-basa kami.Parang pakiramdam ko limang minuto palang yung nakakalipas pero nangangawit na yung kamay ko.

Nang mapatingin nga ako kay Dylan nakatungo lang ito at walang imik.Gusto ko man umimik pero hindi ko naman alam kung panong mag-uumpisang mag salita.Marami na ngang nagbago kung tutuusin sakanya

Lumaki na nang konti ang boses nito,Mas tumangkad pa nga itong lalo at yung buhok niya.Mabilis ko naman iniwas yung mukha ko nang bigla itong mag-angat nang paningin at bumaling sakin

Nagulat nga ako nang bigla nitong kuwanin yung dalawang libro sa mga kamay ko at siya ang naghawak.Tulad noon tinutulungan na naman niya ako,Tulad noon alam ko magbabalik din ang dating Dylan

"Parang nung dati lang,magkaiba nga lang kasi kasama kana"napatitig naman ako dito at napangiti,Ganito nga kami noon dahil iniligtas niya ako sa pagiging late ko at siya yung naparusahan

"Tama ka!Salamat Dylan."

"i'm not Dylan"

"Basta ikaw si Dylan"

"I told you.."

"na James ang pangalan mo?"Pag duduktong ko sa sasabihin nito

"Hindi na ako si Dylan,Kalimutan mo na yung Dylan noon dahil iba na ang kaharap mo.Ibang-iba na ako sa dating Dylan na kilala mo noon"nawalan ako nang imik at napatungo nalang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If i say i love you would you say it back?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon