Habang nag tuturo ang prof namin, pansin ko na hindi sya tumitingin sa gawi ko. Laging lagpas tingin sa gawi ko. Ang weird.
Nagsaluk-baba nalang ako sa inip, wala pa sa kondisyon ang utak ko para makinig. Tamad din ako ngayon, parang pagod na pagod pa ako.
"Snow? are you okay? bakit ang tamlay mo?" bulong sakin ni Fria, naka pwesto kami sa likod at magkatabi kami. Malapit ang pwesto ko sa bintana kaya tanaw ko ang buong field sa gitna.
Lumingon ako sakanya at tumingin ulit sa labas "I'm bored" tipid na sagot ko
"Sabagay" sabi nya at naglaro nalang ulit sa cellphone nya
Buong oras ng klase wala akong ginawa, ni makinig hindi ko nagawa. Nakakainip, sobra. Walang warm up sa utak. Nakatingin lang ako sa labas di kalayuan, ng biglang--
"Aaaaaah!" sigaw ng mga kaklase ko, hindi ko alam pero sa sobrang gulat ko sa taong nasa bintana ngayon. Duguan na babae, may lubid sa kanyang leeg at halos lumuwa ang kanyang mata sa laki. Nakangiti ito, ngiting nakakakilabot.
Nagkakagulo ang lahat, maging ang prof namin hindi alam kung paano ang gagawin. Napansin ko na gumalaw ang leeg ng babae at tumingin ito sa gawi ko at may ibinubulong habang naka ngiti.
"Help me"
At onti-onti akong nakaramdam ng hapdi sa may pisngi ko, ng hawakan ko ito. Blood.
"Snow!" at nabalik ako sa sarili ko ng hinihila nalang ako ni Fria palabas ng classroom. Bumalik ang tingin ko sa babae, nakatingin lang ito sakin at konti konting nawawala ang ngiti at bigla nalang sya tuluyang nahulog.
--
"Time of death: 3:20 pm"
Nagkukumpulan ang mga police at guards sa iisang lugar.
"Snow? hello? kanina pa kita kinakausap" sabay snap ni Fria "H-ha?" at nakatingin parin ako sa pinagkukumpulan na namatay.
"O bakit may sugat ka?!" sabay takip nya ng panyo sa bandang pisngi ko at pumunta kami sa banyo. Habang naglalakad
"Sino yun?" tanong ko kay Fria, nahinto sya sa paglalakad at tumingin sakin "I do not know either, pero sa tantya ko that girl committed suicide." at naglakad na kami ulit
"Suicide? pero bakit parang ang hirap naman ata na gawin nya yun sa sarili nya" ang katawan na puno ng dugo, punit punit na uniporme, mga matang halos lumuwa, it's that suicide?
Andito kami ngayon sa banyo at isinara nya ang pinto. Binuksan na nya ang sink at nagumpisang mag linis ng kamay.
"Maybe she ask someone to do it" sabi nya at lumapit sakin at nilagyan ako ng bandaid sa sugat ko sa pisngi. "Since the day you involve to that accident, marami ng namamatay so it's not new for us kasi some of it is suicide"
A lot of changes happen.
"Ow by the way, where did you get that?"
"I don't know, pagkatapos sabihin ng babae na tulungan ko sya bigla nalang humapdi itong pisngi ko at may dugo na" biglang nahinto si Fria at tumingin sakin "are you serious? nakausap mo yun? how? she's already dead" sabi nya, naglakad ako palabas ng banyo