“Typing Zone”
Isa lang naman itong normal na gabi habang nakikipagkwentuhan ako sa matalik kong kaibigang si Marione dito sa isang virtual chat room na nakita lang namin online. Sabi niya sa akin ay pwede kang makipagkwentuhan sa ibang tao kahit magdamagan. Wala ang kanyang mga magulang sa kanilang bahay ngayon kaya gising na gising pa si Marione kakachat sa mga taong nakakasalamuha niya sa chat room na yon.
Nanatili lang akong tahimik sa chat room na iyon hanggang may natipuhan si Marione na isang lalaki doon.
Hanggang sa tinawag na ako ng aking ina upang patulugin na. Nang pa log-off na ako, I asked Marione what she was doing right now. She didn't reply for a while, hanggang sa;
“Marione is typing a message...”
But it just went blank.
“Marione is typing a message... ”
Wala na namang lumabas na message.
“Wag na nga, matutulog na ako. Saka na tayo mag-usap kinabukasan.” I sent this message to her. Ang labo naman niya at di man lang ako nireplyan. Siguro nawili na yun sa lalaking yun.
Wala akong narinig mula kay Marione matapos ang isang araw pero nang pag log on ko sa chat site na yun ay active siya.
Humingi ng pasensya si Marione sakin dahil busy lang daw sya sa panahong iyon kaya hindi sya nakareply agad. Pagkatapos ay nagkwentuhan nalang kami. Tinanong niya ako kung ako lang ba daw mag-isa. At bigla syang nagsabi sa akin na pupunta daw sya sa amin dahil urgent daw.
“Bakit hindi mo nalang kaya hintayin ang parents mong makauwi.” Hindi siya sumunod sa payo ko dahil meron daw siyang mahalagang ipapakita sa'kin kaya pupunta na daw sya agad sa amin. Doon na ako nagtaka kung gaano ba kahalaga o kaimportante ang ipapakita ni Marione sa akin kung kaya't ganun sya nagmamadali? Eh mas pinipili pa niyang makasama ang parents niya noon kesa makipagkaibigan.
Inasahan kong darating agad si Marione sa amin at pagkaalis pa lang niya mula sa kanilang bahay ng 20 minutes ay nakatanggap ako ng isang tawag.
Mga parents pala ni Marione na kakarating lang at lubhang nag-aalala sila kay Marione. Tinanong nila ako kung nasaan ba siya at sinabi ko nalang na paparating na sya dito sa bahay namin.
The phone fell silent for a while until I heard a deathly scream from the mother in the background on the end of the line.
“Get out of the house now! Marione's here!... She's dead!” Sigaw ng mommy ni Marione sa kanilang linya.
Nakita nila ang katawan ni Marione na parang nakasampay sa wardrobe dahil sa lubid na nakatali sa leeg nito.
Naitapon ko ang cellphone dahil sa pagkabigla at takot. Bakit niya tinanong kung ako lang mag-isa? At napatigil ako ng marinig ko ang pintuan na bumukas.
Natataranta ako at ang tanging nasa isip ko lang ay magtago mula sa taong ito kaya nagtago ako sa ilalim ng kama ko. Narinig ko ang mga yapak na papalapit pero mabagal lang ang paghakbang nito.
Tinakpam ko ang aking mga mata at sumiilip ng kunti mula sa pagkakatakip ng aking mga kamay.
Nakita ko ang isang napakaputla at parang napakalamig na pares ng mga paa na pumasok sa kuwarto ko. Ayokong makita kung sino ang may nagmamay-ari sa paang iyon dahil napakapamilyar sa akin.
Habang papalapit ito sa kama ko ay maririnig mo ang kunting basa sa mga paa nito habang humahakbang ito.
Ang lakas ng tibok ng puso ko at tila ba ay umakyat ito sa bunganga ko. Pinigilan ko ang aking paghinga nang tumapat na ang mga paang iyon sa pinagtataguan ko.
At nang biglang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko at nang basahin ko ang message ay...
“Nasaan ka?”
From Marione.
BINABASA MO ANG
Mga Dagli Ni King Sloan
RandomHighest rank reached #2 in dagli. (07-27-18) #1 in Kathangisip (11-28-18) #4 in creepy stories (11-28-18) Maiikling kwentong likha sa malikot na imahinasyon ni King Sloan. Humandang matakot, maiyak, at mapa-ibig sa mga dagli na inyong mababasa. T...