DAGLI 16: "FUN"

134 6 0
                                    

“FUN”

Pumasok ako sa sala at umupo sa sofa na may hawak na baso ng beer. Kailangan kong makausap ang girlfriend ko baka mas maging komplikado pa ang lahat.

-"Sheena."

-"Yes, dear?"

-"Masaya akong nandito ka. Kailangan nating magusap."

-"Okay, tungkol saan?"

-"Pwede mo ba akong tulungang maintindihan kung bakit mo nagawa iyon? Bakit mo ako sinaktan nang ganun?"

Natahimik siya ng ilang minuto at nanatili lang akong pasensyado.

-"Nasaktan din ako... Naguguluhan. Sana mapatawad mo ako."

-"Mahirap."

-"Alam ko pero, ayoko munang pagusapan yan ngayon."

Tumayo ako at naglakad lakad saka umupo ulit. "Well, are you happy? Can you at least tell me that much?"

-"Oo, Sloan. Hangga't kasama kita. Hindi kita iiwan, Sloan. Dapat alam mo yun."

-"Alam ko. And I love you, Sheena."

-"I love you too". Nagkaroon ng mahabang katahimikan. "Alam mo bang pinagmamasdan kita minsan sa pagtulog mo?"

-"Talaga?" Nilagay ko sa mesa ang hawak kong baso. "Binabangungot ako nitong mga nakaraang gabi, so just knowing that someone's there watching over me really helps. Salamat."

-"Kailangan ko na palang umalis."

-"Agad agad?"

-"Hey, I know. You should come with me."

Nagkasalubong ang mga kilay ko. "Talaga? Pwede kong gawin yun?"

-"Oo naman. Alam mo na kung pano."

-"Pano?" Parang di ko 'to gusto.

-"Same as me, silly!"

Biglang dumilim ang buong kwarto.

-"Ano? Pano mo nasabi, Sheena?"

Walang sumagot. "Wala rito si Sheena." Biglang sumagot mula sa kadiliman.

Di ako makapaniwala sa narinig ko. "Oh yeah? At ano yung sabi mo?"

-"Talon."

Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Hindi! Hindi... Paano? Paano ito nangyayari? Lahat nang sinabi niya... Nakikipagusap ako kay Sheena kanina. Nakikipagusap ako sa kanya!" Ngayon, parang wala na akong kinakausap kundi sarili ko nalang. Pinilit kong umupo.

Nasilayan ko ang planchette sa lamesita na may nakasulat na isang simpleng mensahe. "WE LIE."

Tears began to splash over random letters, blurring the ornate typeface. Pero hindi ko ginalaw ang mga daliri ko hanggang sa nagpatuloy ang planchette sa paggalaw.

"ONE MORE THING..." I didn't respond, so it resumed without a prompt.

"THOSE AREN'T DREAMS."

Kaunting detalye lang ang naalala ko sa mga bangungot ko—madilim na park... Tunnel... Mga anino... Sigawan... Mga kamay na nakahawak at mahigpit ang kapit sa kung anong bagay... At ang repleksyon ng buwan sa ilog habang umaagos ang tubig hanggang sa baywang ko.

-"Anong ibig mong sabihin!" Sigaw ko.

"GINAMIT KITA."

Lumayo ako sa planchette. Hindi ako makapaniwala. Wala akong alam sa nangyayari. "Bakit?"

The planchette move freely now, without need of human touch, and answered a single word as its own:

"F-U-N."

Mga Dagli Ni King SloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon