DAGLI 20: "The Christmas Tree"

182 5 0
                                    

“THE CHRISTMAS TREE

Habang pinagmamasdan ko ang mga kumukutitap na mga ilaw sa puno na gawa sa recycled material na ginawa pa ng mga estudyante ng Alpha, ay hindi maikubli sa aking mga mata ang kasiyahan at kagalakan na natapos namin ito ng walang kahirap hirap dahil sa magandang pamamaraan ng mga mag-aaral na pinamumunuan nina Ritchel Anajao at Jimmy Martinez.

Ang puno ay nakatayo sa gitna ng silid aralan. Napupuno ito ng mga palamuting poinsettia at kung ano ano pa. Pero may kulang pa sa pinakatuktok nito, ang malaking bituin.

"Chel, ano ba ang ilalagay natin sa ituktok ng Christmas tree natin?" osyoserang tanong ni Gilme, ang mutya ng Alpha.

"Ewan ko nga rin e. Naubos na kasi yung mga materials natin. Ikaw Tina? May ideya ka ba?" Baling ni Ritchel kay Tina.

"I don't know guys, what if tig-iisang lightstick ng mga kpop groups like red velvet, my fave, exo, wanna one, blackpink, and other kaechosan?" Nagniningning na aniya.

"Saan ka naman kukuha ng mga nun, aber?" Sabat naman ni Ada na nakahalukipkip sa tabi at walang naitulong sa pagpapaganda ng kanilang classroom.

Napaisip ang mga estudyante sa kaisipang iyon. Samantalang sa isang sulok ng silid na iyon ay nandoon ang grupo nila Elgelyn na may diskusyon din sa pagpapaganda pa ng Christmas tree.

"Guys, parang mas maganda kung may decor tayong gift box ano?" Suhestiyon ni Grace.

"Pwede ring may snowman!" May kagalakang batid ni Ate Paran.

"Pero wala na nga tayong materials, diba? Linisin na lang natin itong mga kalat sa room," sabat ni Princess at hinikayat ang mga kaklaseng ligpitin ang mga kalat.

Habang pinagmamasdan ko silang lahat ay masaya akong makitang nagkakaisa sila at hindi nagbabangayan.

Ipinasyal ko ang aking paningin sa buong silid at nahagip ko ang isang dalaga. Bagong lipat lang siya sa paaralang ito at mukhang wala pa siyang masyadong kaibigan kaya naisipan kong puntahan siya at kausapin.

"Mals, bakit mag-isa ka lang diyan?" ang naitanong ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot galing sa kanya.

"Yes Yan! Yes Yan!" Pagbibiro ko pa, pero hindi siya natawa at tiningnan niya ako ng matalim na tila ba ay pinapatay na niya ako sa kanyang isipan.

Binalot ako ng takot kaya iniwan ko na lang siya sa kinaroroonan niya.

"Attention! Guys! We have to put our final touch to our Christmas tree, since wala na tayong materials, ay maghahanap tayo kasi bukas na ang party diba? So dapat, ay matapos na natin ito ngayon," anunsiyo ni Ritchel sa buong klase at sumang-ayon naman ang lahat maliban sa bagong lipat na mag-aaral na si Jay Ann.

Lumabas ang lahat sa silid para maghanap ng mga materyalis pero pinili kong manatili na lang sa classroom dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Hindi lang pala ako ang nagpa-iwan kundi pati rin si Jay Ann.

Tinitignan niya ako ng may motibo. Hindi ko alam kung dapat na ba akong kabahan. Lumapit ako sa Christmas tree para ayusin ang mga tangkay nito at mga palamuti. Sinusulyapan ko si Jay Ann sa kanyang kinalalagyan para masiguradong nandun lang siya pero laking gulat ko ng bigla siyang nawala sa kinauupuan niya. Luminga-linga ako sa paligid pero wala siya at ilang sandali ay naramdaman kong may tumamang isang matigas na bagay sa aking ulo at doon na ako nawalan ng malay.

*****

Paparating na ang aking mga kaklase at siguradong matutuwa sila sa sorpresang hinanda ko para sa kanila. Panahon na siguro para malinawan sila kung bakit ako lumipat dito sa paaralan nila. Napangiti ako sa kaisipang iyon.

*****

"Guys! Tama na siguro tong mga materials na nakuha natin. Tara! Bumalik na tayo sa room!" Anunsiyo ko sa aking mga kaklase. Ang hirap naman palang maging presidente ng classroom. Napabuntong hininga ako.

Pabalik na kami sa classroom ngayon lulan sa stock room.

"Chel! Hintay!" Sigaw ni Gilme sa likuran kaya nilingon ko siya.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Wala naman," abot tenga naman ang kanyang ngiti. Ewan ko ba dito sa kanya, parang may saltik sa utak e.

Papalapit na kami sa classroom ng may maamoy akong masangsang na amoy. Ang lansa.

Nakasirado ang pinto ng classroom kaya hindi kami nakapasok agad at kinailangan pa naming kumatok. Parang nanggagaling ang amoy sa loob.

"Herian! Jay Ann!" Tawag namin mula sa labas at kumatok ng marahan.

Tahimik lang ang loob nito at nabigla ako ng naramdaman kong parang may likido akong natatapakan. Nang tinignan ko ito ay napatalon ako sa gulat.

"Dugo!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata naming lahat sa nasaksihan. Nanggagaling ang pulang likidong iyon sa loob ng room.

Sinubukan naming buksan ang pinto at bumukas din naman ito.

Isang nakakakilabot. Nakakarimarim. At nakakatakot na tagpo ang bumungad sa aming lahat.

Dugo. Kahit saang sulok ng kwarto. Pumalandit ito sa bubong at sa dingding ng buong kwarto.

Hindi kami nakagalaw sa aming kinatatayuan nang mahagilap ko si Jay Ann. Nakangiti.

"May disenyo na kayo sa ituktok ng Christmas tree. Look!" Turo niya sa ibabaw ng Christmas tree. At doon napasigaw ang aming mga kaklaseng babae at parang naging bakla din ang kaklase naming lalaki  dahil sa lakas sumigaw.

Sa ituktok ng Christmas tree ay ang ulo ni Herian at kinurte ito na parang bituin habang tumatagas ang sariwang dugo at halos makita na namin ang kanyang utak.

Merry Christmas!!!

Mga Dagli Ni King SloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon