“Laro Tayo”
Isang gabi dito sa aking apartment. Pagod na pagod ako dahil sa trabaho at ang tanging nasa isipan ko lang ngayon ay ang makapagpahinga.
Kakaiba ang gabing ito.
Malamig ang hangin. Madilim na madilim ang paligid. Tumingin ako sa may bintana at nabigla ako ng may nakita akong isang anino. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at tinignan uli pero wala. Baka guni guni ko lang yun bunga ng pagod.
Pagkatapos kong manood ng kdrama ay pumanhik na ako sa aking kama upang matulog. Hindi ako makatulog. Narinig kong umangitngit ang pintuan pero binaliwala ko lang iyon dahil baka guni guni ko na naman yun. Naramdaman kong may nagmamasid sa akin pero binaliwala ko parin yun dahil gusto ko na talagang makatulog.
Nakarinig ako ng mabibigat na paghinga pero malumanay. Sa una akala ko ako yun kaya sinubukan kong pigilin ang aking paghinga at napagtanto kong...
Hindi ako yun.
Bumalikwas ako at umupo pero ang ikinabigla ko ay sa paanan ng aking kama ay may isang batang babae na may mahaba at maitim na buhok na nasa anim na taong gulang at nakasuot ito ng puting bestida.
Tinitigan niya ako na may malaking ngiti sa labi. Meron syang malalaking hiwa sa kanyang mukha at ang kanyang mga kamay ay nababalot ng pula. Nagtitigan lang kami ng ilang sandali nang bigla syang nagpakawala ng isang nakakatakot at parang hindi tao na sigaw.
Tinangka kong tumakbo para sa pintuan pero tumalon siya sa akin at ibinaon ang napakatalas na mga kuko sa aking mukha. Ang kanyang maiitim na mata ay ilang sentimetro lang ang layo sa aking sariling mga mata at patuloy parin sya sa pagsisigaw. Nagpatuloy ang nakakabingi nyang sigaw hanggang sa nawala ako sa balanse at natumba at tumama ang aking ulo sa mesa katabi ng aking kama. Dun na ako nawalan ng malay.
Nagising ako sa isang abandonadong bahay. Sinubukan kong tumayo at kunin ang balanse ko. Nabalot ng natuyong dugo ang aking ulo. Tiningnan ko ang aking mga braso at may mga hiwa nga ako at nakasulat na “Laro tayo”. Nakasulat din iyon sa aking tagiliran.
May nakita akong isang bakal na pintuan at may lumalabas na dugo mula roon. Dahan dahan kong pinuntahan ang pintuan. Walang sinyalis ng batang babae o baka nasa loob siya ng bakal na pintong iyan. Sa kabila ng takot ko ay pinasok ko ang kwartong may bakal na pinto.
Ang nakita ko ay nakakarimarim. Nakakalat ang mga bangkay kahit saan saan. Lalaki, babae, matanda, at mga bata. May mga hiwa sa binti at braso katulad ng nakasulat sa mga braso ko, “Laro tayo”. Pero meron kakaiba sa mga biktima na ito na wala sakin. Tiningnan ko ang babae na malapit sa kinatatayuan ko.
Wakwak ang tiyan at may isang toy fire-truck na isinaksak sa pagkababae niya. Nasusuka ako ng nakita ko ang lalaking may mga bakal na nakatusok sa mga mata niya at katabi nya ang isang batang lalaki na nakabukaka ang bibig at nasa bunganga nito ay isang toy car. Parang pinalunok ang toy car sa bata hanggang sa bunganga nito, wakwak din ang dibdib nito at katabi niya ang kanyang puso at ulo ng isang manika ipinalit sa puso niya.
Di ko nakayanan ang tanawin kaya napasuka ako. Napahagulgol ako at tumama sa isipan ko ang tanong na—
“Nasaan ang bata?”
Ayoko ng malaman pa ang sagot. Nakita ko ang parang exit sa kuwartong ito kaya agad agad ko itong tinungo pero napatigil ako.
May humihinga ng malalim sa likuran ko.
Nilingon ko ito. Doon nakatayo ang batang babae. Isang napakalakas at nakakatakot na boses ang lumabas sa bibig nito.
“Maglaro tayo!”
Nagsimula na siyang sumigaw. Tumalikod ako at tumakbo pero tumalon siya sa likod ko at ibinaon ang matutulis na kuko sa likod at leeg ko. Nahawakan ko siya at naitapon.
Tumakbo ako sa nakabukas na pinto pero bigla itong sumirado. Pinihit ko ito pero ayaw bumukas. Dumadaloy na ang dugo ko sa likod. Lumapit ulit ang bata sa akin pero tinadyakan ko ito. Tumalon siya sa akin at ibinaon ulit ang matutulis na kuko sa aking mukha. Nakakabingi ang mga sigaw niya. Itinaas niya ang kanyang isang kamay saka ngumiti. Pagkatapos ay ibinaon na ang kanyang kuko sa aking mga mata.
At dumilim na ang lahat.
Nagising ako sa isang ospital at naka-bandage ang katawan ko pati na rin ang mga mata ko.
May isang pulis at doktor na nag-uusap sa loob ng kuwarto ko at pinagtuonan nila ako ng pansin ng napansin nilang nagising na ako.
Sinabi nila sa akin na ako lang daw ang tanging nakaligtas sa isang mass murder at isang middle aged man daw ang suspek pero nadakip na daw siya at kasalukuyang nakapiit.
Ikinuwento ko sa kanila ang tungkol sa isang batang babae pero wala raw silang nakitang batang babae sa crime scene. Hindi nila ako pinaniwalaan. Sinabihan na lang nila ako na magpahinga.
Pagkatapos ng dalawang linggo ay pwede na daw akong umuwi. Nakakakita na ulit ako dahil hindi naman daw ako nabulag pero mananatiling peklat daw ang mga sugat ko sa katawan lalong lalo na sa braso, binti, mukha, at tagiliran. Nang malampasan ko ang waiting room, may nakita akong mga laruan. Isang toy fire-truck, toy car, at manika. At ang naglalaro nito ay isang batang babae na may mahaba at maitim na buhok at nakasuot ng puting bestida. Tumingin siya sa akin at ngumiti. At isang boses ang tumusok sa lahat ng hiwa ko sa katawan, sinabi niya...
“Maglaro tayo...”
BINABASA MO ANG
Mga Dagli Ni King Sloan
AléatoireHighest rank reached #2 in dagli. (07-27-18) #1 in Kathangisip (11-28-18) #4 in creepy stories (11-28-18) Maiikling kwentong likha sa malikot na imahinasyon ni King Sloan. Humandang matakot, maiyak, at mapa-ibig sa mga dagli na inyong mababasa. T...