Chapter 11 - The explanation

53 2 0
                                    

Cloud's POV

"Aalis na kami." Sabay kuha ko ng kamay ni Neesha. 

Papunta kami ngayon sa bahay ko. Kailan ko siyang kausapin, alam kong gulong gulo na siya sa nangyayari.

Mula sa park hanggang sa makarating kami dito sa tapat ng bahay ko ay hindi parin siya kumikibo.

"Akyat ka na lang sa room, mauna ka na." Sabi ko kasi i-lolock ko lang saglit yung gate. Sumunod naman siya. 

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng kama at nakayuko.

"Bhie.." Natatakot siya :( Nilapitan ko naman siya at hinawakan ang kamay niya. "Anong nangyayare?" Dagdag niya.

"San ba ako mag-uumpisa?"

"Paano mo sila nakilala? Saan? Kailan?" Sunod sunod niyang tanong.

"Nakilala ko sila nung grade school palang kami, naging magkakabarkada kami mula noon. Lagi na kaming magkasama hanggang sa mag high school. Bestfriend ko noon si Chace." Sabi ko.

"Anong nangyare?"

Haay. Kailan ko bang sabihin yung nangyari? Kailangan niyang malaman.

"Yung first love ko.." Di ko pa natutuloy ang aking sasabihin ng mapansin kong medyo nagulat siya. "Na nililigawan ko noon ay napunta kay Chace. Naging sila, hindi ko alam anong nangyari. Nang dahil sa nangyari sobrang nagalit ako kay Chace, kasi bestfriend ko pa ang karibal ko sa first love ko. Nagalit ako sa kanya, dapat sinabi na lang niya na may gusto pala sila sa isa't isa. Nang dahil doon lumayo ako sa kanila para makalimot. Kinalimutan ko sila, at di ko alam kung bakit ngayon ay nagpaparamdam sila simula noong napagkita sila noon sa KTV nung lumabas tayo." Tahimik lang siyang nakikinig.

"..."

"Neesha.."

"Bakit mo siya sinuntok kanina?"

"Kasi ayaw kong lapitan o hawakan ka niya. Kaya ako nagalit noong nakita ko kayo sa park."

"Dahil ayaw mong mangyari uli yung nangyari noon?"

"Oo, hindi ko kakayanin yun."

"Sa'yo naman na ako." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Neesha.." Hindi parin kasi siya tumitingin sa akin mula kanina.

"Hmm?" Iniharap ko ang mukha niya sa akin para makita ko ang kanyang magagandang mga mata. 

"I love you." Sabi ko sabay halik sa labi niya.

"I love you too." 

Alam kong pagod na siya sa dami ba naman ng nangyari kaya naman ay pinahiga ko na muna siya sa aking kama.

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya.

"Bakit di mo sila kausapin?" Tanong niya bigla habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"..." Hindi ako sumagot kasi di ko rin alam kung bakit. Siguro di ko pa kaya.

"Talk to them Bhie, I'll go with you."

"Okay." At hinalikan siya sa noo.

Bago ako natulog tinext ko si Margarito na magkita kita kami bukas. 

Sana maging okay. 

At natulog na katabi ang aking prinsesa.

--------------------------

A/N: Ang short sorry ^_^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kenji Delos Reyes' Poser O.O [Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon