Chapter 4 - You again o.O

174 10 8
                                    

---

Umalis na kami si KTV ng matapos na naming kantahin lahat ng mga kakantahin namin. 

1:45 na ng makarating kami sa Cinemas. Pero bago kami pumasok eh, bumili muna kami ng mga food namin xD 

Alam niyo na ata kung sino nagsabi sa amin na bumili ng pagkain xD Sino pa edi si Thana. Takaw niyan eh. 

Merong popcorn, drinks, donuts at kung ano-ano pa sa stall na pinuntahan namin.

Bumili si Katrinka ng 16oz na coke at punyeta kala namin mura lang. 50 pesos!! 16oz lang ha! Nagulat si Katrinka syempre, pero binili niya na lamang ito dahil nauuhaw na rin siya at nai-serve na.

"Thana dun ka na lang sa isa bumili ng popcorn." Sabi ko kay Thana, meron kasing isang pang stall kung saan popcorn ang main na ibinibenta at syempre mas mura roon.

"Osige. Ang mahal dito eh sobra." At umalis na ito.

Sumunod naman kami ni Katrinka ng makapag-desisyon ako na hindi na lang ako bibili  ng drinks.

Hinawakan naman ni Cloud ang aking right hand, dahil sa left ko ay naroroon si Kat.

Tinignan ko siya at nakita ko lang siyang naka-ngiti. Ngumiti na lang rin ako.

Nakita na namin si Thana na dala yung isang bucket ng popcorn. Yung pinaka malaki xD

"Eto na lang noh?" Sabi niya.

"Oo, ang laki na ng niyan eh. Hindi naman ako malakas kumain niyan, kasi syempre manonood ako. Kailangan concentrated." Sabi ko.

"Bibili pa ako ng isa." Sabi naman ni Cloud.

"Osige, bumili ka ng para sa inyo ni Neesha. Share na lang kami ni Katrinka dito. Kulang pa toh sa akin eh." Sabi naman ni Thana.

"Haha. Ang takaw ma talaga." Sabi naman ni Kat.

---

Nang makabili na si Cloud ng isa pang bucket ng popcorn para sa aming dalawa eh. Bumalik na kami dun sa tapat ng stall kanina na piangbilihan ni Katrinka ng Coke niya. 

Dahil nauuhaw na rin ako. Kaya ayun bumili na rin ako kahit ang mahal -.-

Si Thana bumili ng donut. 4 na pirasong twist <-- Twist ba tawag dun? Ahhy ewan. 

Tapos isang 16oz rin na coke.

"Sayo lahat yan?" Tanong namin ni Katrinka kay Thana.

"Oo, nagugutom ako eh." 

Nagsmirk si Cloud. Haha. Ang gwapo talaga ng Cloud ko kahit anong gawin niya.

Kenji Delos Reyes' Poser O.O [Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon