Chapter 1 - Sorry :(

888 9 30
                                    

 Ang first part po nito ay makikita sa profile ni teiian. Sequel lang po itong ginawa ko :))

Kailangan muna pong basahin iyon upang maintindihan ang istorya nito ^_^

http://www.wattpad.com/story/3046531-kenji-delos-reyes%27-poser-o-o-one-shot

^^

----

"I'm her best friend's boyfriend." Yan ang sabi niya sa mga stalker ni Thana.

.

.

.

.

.

Natulala kaming tatlo pero biglang bumalik sa realidad si Thana. 

"Neesha, totoo ba?" Malungkot ang mukha ni Thana, halatang nagulat siya.

"Totx let me explain."

Tama. Ako yung best friend na tinukoy niya dahil alam naman ng lahat na may boyfriend na si Kat.

"Let me explain? Ano pang sasabihin mo eh eto na nga oh." Sabi ni Thana.

Hinarap ko si Kat.

"Kat, hindi ko sinasadyang itago sa inyo." Tinitigan lang niya ako.

Bigla namang hinila ni Thana si Kat sa kamay.

"Tara na Kat." Lumabas na sila pagkasabi ni Thana nun.

Tumingin ako kay Cloud. Halatang malungkot siya sa pangyayaring  naganap.

"Hindi mo pa pala nasabi sa kanila." Nasaktan ko siya. Alam ko, nasaktan ko siya.

"Hindi ko pa kasi alam kung paano." 

"Kinakahiya mo ba ako?" Malungkot ang mga mata niyang magaganda.

"Hindi, ano ka ba." Bigla na lang niya akong niyakap.

"Sasamahan kitang magpaliwanag sa kanila. Nandito lang ako, kung hindi ka man nila mapatawad." Niyakap ko rin siya pabalik.

---

Buong araw akong hindi pinansin ng dalawa kong bestfriend. Nagtatanong na nga yung mga lalaki na bestfriend namin kung bakit hindi nila ako pinapansin.

Sabi ko na lang sa kanila .. "Ha, wala. Onting tampuhan lang."

 Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinext ko na lang si Cloud.

To: Cloud <3

Bhie :( Anong gagawin ko? Hindi nila ako pinapansin. Natatakot akong i-approach sila, baka isnobin nila ako.

Kenji Delos Reyes' Poser O.O [Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon