~ ASHER'S POV ~
Naglalakad ako ng nakita ko si count na tumatakbo papunta sakin kaya tumingin ako sakanya.
"Uy tol! alam mo ba! May bagong transferee dito!" Sigaw ni count sa mismong mukha ko, nakangiti pa nga. Tibay.
"So? every year namang may bagong tranferee dito sa school ah?" nakakunot noo kong tanong.
"Iba kasi to tol! chix daw! wewwwws!" sabi nya sabay sipol pa, tsk!
"Kanino mo naman nakuha yang balitang yan? napaka-chismoso mo talaga! ewan ko kung bakit kita naging tropa!" naiinis na pabiro kong sabi.
"Alam mo kung baket?" tanong nya
"Bakit?" nakakunot noo kong tanong.
"PWET MO MAY RAKET!" sabi nya habang tuma-tawa na parang baliw, with matching palakpak pa.
-_____-
nakakatawa ba yon?
"Nasan nga pala sila calvin tsaka zach?" pag-iiba ko ng usapan. Kaya huminto na din sya sa kakatawa nya, pero halatang nag-pipigil. Ang babaw talaga ng kaligayahan neto.
"nauna na sila sa Dark Cabin, may aasikasuhin daw kasi sila. Emergency daw." sabi naman ni count.
*phone rings*
Tinignan ko yung cellphone ko kung sino ba yung tumatawag.
Zach's Calling...
"Boss, pumunta kayo dito ngayon may mahalaga tayong pag-uusapan." sabi ni zach sa kabilang linya.
"Ano naman yung pag-uusapan?" tanong ko.
"Pumunta ka nalang muna dito para malaman mo" bossy nyang utos sakin, kapal.
Pinatay ko na yung call at humarap kay count.
"Tara na" sabi ko at diret-diretsong naglakad. Sumunod naman sakin si count kaya nang malapit na kami sa Dark Cabin.
Parang may mali..
"Asher!" sigaw ni calvin sakin mula sa taas. Lakas talaga ng boses neto, parang nakalunok ng microphone.
Guni-guni ko lang siguro iyon...
Umakyat nako sa taas gamit ang rope at sumunod din sakin si count mula sa baba. Nang maka-akyat na kami ay pumasok na kami at umupo sa couch.
"Oh, zach. Ano ba yang pag-uusapan natin na yan?" tanong ko sakanya habang sya naman nag-susulat sa papel.
"Tungkol kay Flame Gangster Princess" sabi nya kaya napatayo ako at pumunta sa kinakatayuan nya.
Nakita ko ding sumunod si count sakin."May nakapag-sabi sakin na dito daw nag-aaral si Flame Princess, At ang daming nag-transfer na studyante dito sa school dahil sakanya. Desperadong-desperado talaga silang makuha ang mata nya." Patuloy nya sa sinabi nya habang umiiling iling pa.
"At ang pagkakaalam ko hindi lang mata ang gusto nilang kuhanin kay flame princess, pati buhay nya upang makuha ang posisyon nya sa underground." Sabat naman ni calvin. Ah oo nga pala, si Flame Gangster Princess ang nasa Top 1 sa rank doon sa underground. Hindi madaling makuha ang pwesto na iyon, kailangan mo munang kumitil ng buhay nang tao para makuha iyon. Pag ikaw ang nanguna sa underground magiging mapanganib ang buhay mo pero syempre maeenjoy mo din, At para makuha ang posisyon ng nasa pinaka taas ay kailangan mo syang patayin para maging top 1 ka. Kaya ganoon nalang ang pagkakadesperado nang iba para makuha ang posisyon nya.
BINABASA MO ANG
Calista High: School of Gangsters
ActionCalista High: School of Gangsters | flame gangster princess - randella alvapriya ackerman ; merciless and brutal person in gangster underground!!! ft. her friends // makenna, serenity, & marina.