Chapter 2

44 3 2
                                    

"ANONG POSITIVE?! Kams, BUNTIS KA?! May boyfriend ka ba ha?! Bakit di ko alam? Bakit di namin alam?! Akala ko ba bestfriends tayo ha? Nakakabigla ka naman kambal. Hindi ka ganyan. Hindi ganyan pagkakakilala ko sayo. Hindi to pwede. 14years old ka pa lang oh! Ano nang mangyayari sa kinabukasan mo nyan?"

 

 

 

"O.A. LANG PO NATIN LYRA?! Patapusin mo muna kasi ako, pwede? Pwede? Pwede ba ha? Chilax ka lang kase. Dami mo na agad react dyan eh. Keep calm men. Keep calm. Di. Ako. Buntis!! Ni wala nga akong crush, boyfriend pa kaya?! Tsaka kung SAKALING meron man. KUNG SAKALI lang naman, sasabihin ko yun sainyo noh! Bestfriends ngae. Hay. Yun nga, positive yung result...ng exam ko! Pasado ako sa NSH! Dun na ko mag-aaral! :D"

 

 

 

 

Tapos parang nalungkot yung mga bestfriends ko. Nakita ko medyo teary-eyed pa si Vandolph. O.A. talaga ng mga taong ito.

 

 

"Hoy Vandolph! Ano yan? Isa ka pang O.A.? Bakit naman kayo nalungkot? Ako nga masaya ako eh. Kayo naman malungkot bigla?"

 

 

 

"Eh di lilipat na kayo ng bahay nyan? Bestfriend, iiwan mo kami dito..." Medyo naiiyak na din itong si Karen.

 

 

 

"Oo nga, men..." Ngek! Nag-agree naman tong si Justin. Hay ang mga bestfriend ko talaga. Pero napangiti ako dun. Ayaw pala nila ako mawala sa tabi nila.

 

 

 

"Ano ba kayo! Nakakatawa kayo ah. HAHAHA! Ang lapit lang nung school na yun dito oh. Isang sakayan lang ng jeep. Kung anu-ano iniisip nyo. Tsaka di ko kayo iiwan noh. Dito na tirahan ko FOREVER, ok? Kaya wag na O.A. ha?'

 

"Eh yun naman pala eh! Ang OA nyo naman men!"

 

"Wow ha. Parang di ka nag-OA Justin ah! Hiyang hiya naman kami sayo." Natawa kami dun sa hirit ni Karen. Oo nga naman eh. Haha. Mangiyak-ngiyak kaya siya. XD

 

"Dahil dyan, libre ko kayo!"

 

"Nice one Kuya Jay!" Sabay sabay naming sinigaw tapos takbo agad dun sa paborito naming tambayan. Ang TINDAHAN NI MANG ARNOLD! BWAHAHAHA! :D

 

 

Ang saya talaga pag kasama ang barkada. Damayan palagi. Pag nangaasar, imbes na maasar ka, natatawa ka na lang bigla. Hay...hindi siguro kumpleto ang buhay ko pag walang kaibigan...pag wala sila. Lahat naman siguro may kaibigan diba? Kahit na masama ugali mo, o mataray ka, may ngipin ka man o wala, may buhok o kalbo, bata matanda, lahat yan may kaibigan. Pati nga yung tuta naming si Chloe kaibigan yung pusa ng kapitbahay eh.

 

"Hay one week na lang pasukan na. Baka di na tayo makalabas masyado." tapos uminom ako ng RC.

 

"Onga eh. Busy busy na tayo nyan."

 

"Oo nga Lyra. Eh ako 3rd year high na sa pasukan. Mahirap daw mag 3rd year eh."

HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon