Brrr...ang lamig. >.< Umuulan pa rin pala. Grabe naman. Hmmm...sarap matulog.
Your stare was holding
Ripped jeans. Skin was showing
Hot night. Wind was blowing
Where you'd think you're going baby?
^Alarm ko ^____^v Ang cute eh. Bakit ba? Call Me Maybe. PBB TEENS? Hahaha. Teka, bakit nga ba ko nag-alarm?
Kinuha ko yung cellphone ko, may note, "First Day of Classes..." OOOOHHH. Oo nga pala, nawala sa isip ko ah. Sinuot ko na ang eyeglasses ko at inayos ang kama. Tapos bumaba na ko.
Pagbaba ko, ready na ang breakfast. Maaga kasi gumigising si mama eh. 5am na tapos 7 pa pasok ko. Aga ko gumising noh? Alis ako ng ala sais kasi bawal malate dun. Pagsusulatin ka sa logbook tapos di ka pwedeng mag-take ng mga activities sa first period.
Pagkatapos ko kumain, naligo na ko. Medyo matagal ako maligo, mga 1hour. Kaya ngayon, binilisan ko, 30mins. na lang. Baka malate eh.
Buti na lang at tumigil na yung ulan. Ayoko kasi umaalis ng umuulan eh. Nakakatamad.
Nagbihis na ko ng uniform at medyo nag-ayos ayos. Tinirintas ko yung buhok ko tapos sinuot ko ang eyeglasses ko. Kinuha ko na yung bag ko sa kama at bumaba.
"Ma, alis na po ako. Baka malate po eh." Kiniss ko na si mama sa cheeks at lumabas na ng gate.
"Ingat ka anak!"
6:15 na. Bibiyahe pa ko. Buti na lang nakasakay ako kagad kahit medyo punuan. Rush hour kase pag umaga eh. Nakipagsiksikan na ko kesa naman sa malate ako diba?
Pagkadating ko dun, lahat ng estudyante nandun sa field. Dun ata magfflag ceremony. Ang ingay nga eh. Halos lahat ng tao dun magkakakilala. Ako lang wala. Eh kasi nga transferee lang ako diba?
Habang di pa nagsisimula, pumunta muna ako dun sa board na may nakapaskil na mga sections. Section A ako. Talino ba? Di naman. Average lang.
*BOOOOOGSH*
Ayoko mag-sungit. First day na first day. Transferee lang ako. Keep calm. Pero ayoko talaga sa lahat yung binabangga ako eh. Kaya nga nauso yung mata para tignan yung dinadaanan diba? Lumingon ako at tignan kung sino yun
O______________________O
WTH??!!
"IKAW NANAMAN!!" Sabay namin napasigaw. Medyo nagtinginan yung nasa paligid namin. Hinawakan niya yung wrist ko tapos hinila ako sa lugar na wala masyadong tao.
"HOY! Ano naman balak mo at bakit mo ko hinila dito? Ha! Tignan mo nga naman. Dito ka rin pala nag-aaral. At wait, ikaw nanaman ang bumunggo sakin." Parang nabadtrip tuloy ako ng di oras.
"Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi ang mag-sungit? Sorry naman po di ko sinasadya, OK?!" Tumalikod na lang ako sakanya kasi naiimagine ko kung pano ko sinasaksak yung mukha nya. Bakit ako galit? Dahil sa sinabi nya sakin sa NBS, yung hindi daw ako chicks! Alam ko naman yun eh. Grr..
"Hoy! 2nd year ka din diba? Nu section mo?" Wala talaga akong balak kausapin sya. Bahala siya dyan! Hinanap ko na lang yung pila ng section ko kase magsisimula na ata yung flag cem.
"Hoy! Parang di ka kinakausap?" May panglan kasi talaga ako. -___- Hay! Bakit ba ako pinagttripan neto di na lang yung mga dati nyang classmate!
Buti at nakita ko na ang section ko. Kaso yung lalakeng yun, sumunod. Tapos pumila pa dun sa pila ng boys ng Section A. Tinignan ko siya ng masama.