A

2 0 0
                                    

"Avenyce, tara na hinahabol na tayo ng discipline officer!" sigaw ni Ignell. Gagala kami ngayon kung saan-saan para makahanap na naman ng maaway. Ganap na kaming suki ng mga rambol pero high class. Syempre nanggaling kami sa isang pribadong eskwelahan tapos magiging cheap lang kami. Hell no.

"Litse, bilisan mo na lang diyan!" Sigaw ko.

"Basta bilisan mo, Ave! They're coming!"

"Tangina mo!" Binilisan ko ang takbo ko para hindi maabutan ng gagong discipline officer.

"YOU FIVE! GO TO THE DISCIPLINE OFFICE NOW!"

Nahuli kami ng Discipline Officer dahil sa kagaguhan ni Joash. Nakaupo kami ngayon sa isang marble chair at nagkakanyahan na lang. Hindi na bago sakin ang pagpunta dito. Pabalik-balik lang ako dito at pinapatawag pa pati magulang ko pero wala akong pake. Nobody cares me. Including myself.

"Avenyce Benedicto, explain." sabi ng discipline officer. "YOU FOUR, EXPLAIN!"

"S-sir–"

"Sir, kung idadamay mo pa sila, mas mabuting ma-expell na lang ako." sabi ko. Ayoko talagang madamay ang mga kaibigan ko sa kagagahan ko dahil mahal na mahal ko sila. Pero ako di naman ako mahal. Yie.

"Sir, excuse me, sabi ng principal ay ako na lang ang bahala sa kanila. Baka lumala ang altapresyon mo." sabi nung isang lalaki.

"Bantayan mo silang mabuti, Sphinx. You know I trust you."

"Yes, sir." sumaludo naman si Sphinx sa discipline officer tsaka umalis na ang matanda.

Lumapit siya sa akin at nararamdaman ko ang mabangong halimuyak niya. Ano kaya ang kanyang pabango? Nakakamatay kaya. Nakakamatay sa bango.

"Sabihin mo kung anong kasalanan mo para masolusyonan na." Nanatili lang akong tahimik dahil sa takot.

"Avenyce, isa..." umiling lang ako at kinagat ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak. Ngayon lang ako umiyak pero sa nagdaang pagbisita ko dito hindi? Malakas ka, Ven... Malakas ka.

"Dalawa, Avenyce." Putangina ka, Sphinx.

"Tatlo–"

"Ayokong makita ka dito! Umalis ka na bago pa kita masampal! Tama na! Tama na ang pagpapakahirap mo sakin, kuya. Litong-lito na ako..." nagulat naman siya nang mahimatay ako.

A- abscise :>

Cupid From PastWhere stories live. Discover now