C

1 0 0
                                    

"Sorry... Ang aming Panginoon ay bibigyan ka ng isang delikadong task. Kailangan mo iyong pasahin upang makabalik sa iyong panahon na hindi mo man lang namamalayan. Kung hindi mo iyon magawa, ang hari na aking ama ay hahatulan ka nang.... Kamatayan."

Pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi, hindi, hindi! Hindi siya mamamatay!

"Kailan ko po ba malalaman ang misyon ko?"

Napa-iling lang si Thesariaz. "Ngayon na, Avenyce. Alam kong hindi ka pa handa pero kailangan mong maging maingat. Hindi ko alam kung isa ba itong misyon o ano. Basahin mo na lang para maunawaan mo."

Pinaparating kay Avenyce Valentin ng dalawang libo at labing-walong taon (2018)

Sa pagkakataong ito, sa sulat na ito malalaman mo kung ano ang nakatadhana mong gawin. Ito'y maaari mo ring matawag na misyon. Dito mo malalaman kung mamamatay ka ba o hindi dahil malalaman mo kung mahihirapan ka ba sa misyon mo.

Ang misyon mo ay ang maging matchmaker.

Makikilala mo ang pag-dudugtungan mo ng tadhana sa paglipas ng panahon.

Dadating din sayo ang mga pana mo sa pagdating ng panahon.

Batid ko ang kapakanan at kaligtasan mo, Avenyce. Naway magabayan kita sa iyong misyon at pagbutihan mo ito ng mabuti. Maraming Salamat, Avenyce.

-Diyos ng Sanlibutan

Hala, so ang Diyos mismo ang nagsulat?

"Oo. Dahil isa din akong instrumento ng Diyos, ipinarating niya sakin na kinontrol niya ang mga tao dito na magsalita ng Tagalog para hindi ka na daw mahirapan."

Omg talagaaaa?

Hindi ko ugaling mag-matchmake sa totoong buhay. Pero na-try ko na ding maging matchmaker noong second year high school ako.

"Avenyce, m-may hihingin akong pabor sa iyo."

"Ano yun, Xylienn? May kailangan ka?"

"O-oo... Huwag mo naman sanang masamain pero pwede ka bang maging 'matchmaker'?"

Tumawa lang ako kay Xylienn tsaka tumango. "Lul ka, Xy! Ni hindi ko pa nga na-try yang mga matchmake matchmake ka-churvahan na yan! Pero, sige. Kanino ba?" pinaslakan ko ng puto ang aking bibig dahil sa gutom at para na din mapigilan ang pagtawa ko.

"K-kay Caile. H-hehe." bigla kong nabuga ang putong kinakain ko sa kay Xylienn. S-seryoso ba siya?

Ka-close ko si Caile noong Grade six hanggang ngayon. P-pero kasi sabi niya sakin na may nagugustuhan siyang iba. Kawawa naman si Xylienn. Pero sige lang! Sabi nga nila never give up!

"S-sure ka ba dyan, Xylienn?" tumango lang siya at ngumiti sakin. Sorry, Xylienn. I must try my luck if magagawa kong maging kayo.

"Nako, Xy. Natamaan ka na ba sa ugok na yun? Share mo naman yung istorya."

Kinikilig-kilig pa siyang kinukuwento yung love story daw nila ni Caile. "Ganito kasi yun, Vents... Noong Grade 1 ko pa siya crush." Oh my god, so eight years na? "Natatandaan ko pang June ,2009 ko pa siya naging crush." with matching kilig pa siya. "Tapos, unang kita namin nun is nahulog ako sa bangin dahil pinagtulakan ako ng mga kaaway ko noon. Natalo kasi sila sa chinese garter na nilaro namin kaya nila ako pinagtulakan sa bangin. Niligtas ako ni Caile. Alam mo yun, parang nag-blurred ang paligid tas siya lang yung nakikita ko." Grabe naman, Grade 1 pa lang tapos nafe-feel niya na yung ganyan. Ako nga nag-tutumbang preso pa niyan eh.

Cupid From PastWhere stories live. Discover now