"Avenyce, ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Thesariaz.
"Oo naman."
"Napapansin ko kasing wala ka sa sarili noong mga nakaraang araw. May bumabagabag ba sa isipan mo?"
"Wala naman." pero sa totoo lang, bumabagabag pa rin sakin ang napanaginipan ko noong mga nakaraang araw. Hindi ko pa alam kung ano iyon. P-pero, napakapamilyar ng senaryong iyon.
"Tungkol ba iyon kay Zeal?" umiling ako. Ilang araw na din pala kaming hindi nagkikita. I admit, I really fucking miss him right now. Namimiss ko yung kulitan naming dalawa. Namimiss ko yung pagtawag niya sakin bilang 'babe'. Namimiss ko yung kacornyhan niya. Namimiss ko na siya...
"Talaga naman eh. Namimiss mo nga siya. Why don't hang up with him?" payo sakin ni Thesariaz.
"I-Its not that easy, Thesariaz. May misyon ako at ayokong madamay siya."
"Simula noong pumunta siya sa mundong ito, nadamay na siya sa misyon mo. Don't stop your feelings with him, Avenyce."
I-I don't have any feelings with him! Si Sphinx yung mahal ko. Hindi siya.
"Si Sphinx lang naman yung mahal ko, Thesariaz. Not him." sabi ko at umalis.
"Ok then. Basta ang maipapayo ko lang sayo ay ingatan at pakinggan mo ang iyong puso. Malapit na siyang dumating." umalis na din sa kwarto ko si Thesariaz. Anong pinagsasabi niya?
"Madame Avenyce, may bisita po kayo."
"Papasukin mo na lang siya sa silid ko, Ignelous." utos ko sa kanya at sumimsim ng kape.
"Masusunod po, Madame." ilang minuto lang ay nasa harapan ko na ang pamilyar na bulto ng tao. Ang amoy niya, ang pananamit, ang aura... Alam kong siya iyon.
"Z-Zeal..." nawalan ako ng lakas at hindi makapaniwalang andito siya. I froze in surprise. I really am.
"Avenyce..." niyakap niya ako at hinarap. Malapit na malapit ang aming mga mata na parang sabik na sabik makita ang isa't-isa. "B-bakit ka ba hindi nagpapakita sakin? Alam mo bang nabaliw ako ng sobra at sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyari sayo?"
Inalis ko ang pagkakayakap niya sakin tsaka siya tinignan ng tagos sa mata. "Bakit ka nandito?" iyon lang ang tangi kong nasabi.
"A-Avenyce, k-kasi a-ano..."
"Diretsuhin mo nga ako, Zeal–"
"Sige. Dederetsuhin kita. Ano ba ang nangyayari sayo? Minsan nagsusungit ka tapos minsan naman ay ang sweet mo. Ano ba ang problema mo, Avenyce? Hindi kita mabasa! Hindi kita maintindihan!" hirap na hirap siyang nakatitig sakin. May luhang tumulo sa kanyang mata at umupo tsaka niya tinabunan ng panyo ang kanyang itsura. "Pinipigilan mo ba ang nararamdaman mo sakin? O sadyang wala kang awa para paasahin mo ako ng ganito?"
A-akala ko ba hindi niya ako sineseryoso?
Natahimik ako at unti-unti akong natauhan. Hindi ako pwedeng maantig sa mga sinasabi niya. "Una, isa akong Bipolar. Ikalawa, oo at mahirap talaga akong intindihin. Kahit nga ako ay hindi ko na din alam at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ikatlo, wala akong nararamdaman sayo. Sadyang mahangin ka lang. Hindi kita pinapaasa tsaka pigilan mo yang pagpapanggap mo. Ano bang nangyayari sayo, Zeal? Kala ko ba ok tayo noong mga nakaraang araw?" tumawa lang ako ng peke pero sa kaloob-looban ko ay naiiyak na ako.
"S-sorry..." speechless? Bakit? Gusto kong marinig pa ang sasabihin niya ngunit wala na siyang sinabi. Did he considered my temper at baka sumabog ako pag may sinabi pa siya? "I just missed you..." he smiled. "As a friend."