"Avenyce, gusto mo bang mamasyal?" pamugad sakin ni Thesariaz
"Pupuwede po ba?"
"Oo naman, halika at sasamahan kita." sinamahan niya ako papunta sa kung saan-saan. Sinuot ko na lang yung skinny jeans ko tsaka t-shirt at sandal para presentable naman ako.
Paglabas ko pa lang ay bumungad na sakin ang pang-iiling ni Thesariaz. "Oops, alam mong isa akong prinsesa, Avenyce. Hindi ako nagsusuot ng ganyan. Halika, papahiramin kita ng magarbong damit."
Teka? Akala ko ba sa mall lang? "Sandali, Thesariaz! Akala ko ba sa mall lang?"
Tumawa lang siya sakin at umiling. "Oo nga at mall ang pupuntahan natin. Ngunit, nakalimutan mo atang kapag dadalaw ako sa publikong mall ay dudumugin ako ng mga tao. Pupunta tayo sa isang eksklusibong mall. Kung saan ang mga politiko at ang may mga matataas na posisyon lamang ang pwedeng dumalo." pumipili pa din siya ng mga damit at sinusukat iyon sakin.
"Eto na iyon, Ven. Babagay to sa kurba ng iyong katawan." dumiretso ako sa C.R. at nagbihis. Totoo nga ang sinabi sakin ni Thesariaz dahil isa itong pencil na madaming madaming burda. Hindi ako nakagown kasi nahiya na ako at kinuha ko ang heels. Isang napakagandang peach-colored pencil ang sinuot ko at apricot na heels–or cigarette. Ayun, nababagay na ito sa suot ko at sa event.
"Teka, sandali, Avenyce! May nakalimutan ka!" kinuha niya ang kanyang lipstick na kulay pale red at pinahid iyon sa bibig ko. Naglagay din siya ng kaunting makeup sakin which is kulay blue with peach na color at blush-on. Nilagyan niya din ako ng mascara at inilugay ang buhok ko. Okay, akala ko ba sa mall lang?
"Ayan! Perpekto! Tara na." excited niyang tugon. "Gabriella, please call the driver and the ten guards." nag-bow lang si Gabriella at naghintay kami dito ng tatlong minutos.
Sumakay kami sa isang ferrari tsaka nakadating na din kami sa mamahalin at sosyalang mall. As expected, dalawang sasakyan pa ang nakasunod samin na puno ng guards.
"Halika na, Avenyce! Bumaba ka na at makihalubilo dito!" napakasaya niya ata dahil andito yung malalapit niyang kaibigan. Wala na akong nagawa kundi magpaka-plastic na ngumiti sa mga kaibigan niya.
"Oh, Dutchess Syntyche Lewing, this is my friend, uh–" binigyan niya ako ng ano-yung-peke-mong-pangalan look.
"Hello, Dutchess Syntyche. I am Ventréclarrity Fajardo. You can call me Ventré. Nice to meet you." sabi ko. Hindi nila kasi ako pwedeng makilala dahil parte iyon ng misyon ko. So, kailangan kong mag-panggap.
"Oh, nice to meet you, Ventré. What a nice name!"
"Thank you. Its an honor to see you, your highness." tsaka ako nag-bow. Mukhang kailangan kong galingan sa English para malagpasan yung misyon ko.
"Ventré, here's Peri Contracendo. She is the daughter of the past king's grand-grandson, Gabron Contrasendo." nag-smile naman ako sa kanya.
"Hello, Miss Peri. I am Ventréclarrity Fajardo. Nice to meet you." Nag-beso ako sa kanya para pasipsip ang peg.
"Hello, Ventré! Nice to meet you too! Nice dress by the way." she smiled but I know that its a fake one. Tumango lang ako sa kanya at humarap na naman sa pinakilala ni Thesariaz.
"Lastly, this is Prince Vexus Schiana. He is the son of the Queen Victoria Schiana and King Valentino Schiana III. Sila yung namumuno sa bansang Vale Schiana." hala, ang gwapo naman!
"Hello, Prince Vexus. I am glad to meet you."
Hinalikan ni Vexus yung kamay ko at– OMG HINALIKAN NIYA YUNG KAMAY KOOOOO! "Me too, Miss Ventré. I am very glad." Ok, so baka normal lang sa mga lalaki na halikan yung kamay ng mga babae sa panahong ito at sa mundong ito.