Sa isang carenderia na malapit sa punenarya kumain si Igme at ang kasama nito. Pagod at gutom ay agad pinagbubuksan ni Igme ang mga kaldero at gnun na lamang ang kanyang panlulumo ng Makita ang nakahain na pagkain sa loob nito.
‘’Oh napano ka!’’ tanong ng kasama nya ng bigla itong sumuka ng Makita ang mga lamang loob ng tao sa bawat kaldero na tiningnan nito. Napatingin siya sa kasama at agad napatakbo ng Makita nito ang mukha ni Michiko.
‘’Lumayo ka skn tigilan mo na ako!’’ sigaw ni Igme ng Makita ang kaluluwa ni Michiko na pasunod sa kanyang likod. Dali dali itong tumakbo papalayo, pero kahit anong gwin niya patuloy parin nakasunod ang multo ni Michiko
Ganun na lamang ang kanyang kaba ng makarating ito sa punenarya at Makita ang security guard n kumakaway sa kanya.
‘’Ok ka lang pre?’’ tanong ng security guard sa hinihingal na si Igme
‘’Ok lang ako…..ah!’ sigaw ni Igme ng Makita ang mukha ni Michiko at agad binunot ang baril ng security guard sabay tutok nito sa kanya.
‘’Pare anong nangyayari sayo?’’ takot at takang wika ng guard na pilit pinapakalma ang napaparanoid na si Igme.
‘’Lumayo ka skn! Pag di ka lumayo babarilin kita.’’ Wika ni Igme na nakikita parin ang mukha ni Michiko sa security guard ng biglang may humawak sa likod niya sabay agaw ng baril sa kanya. Nagpupumiglas na lumabansi Igme hanggang sa maririnig ang iilang putok ng baril sa paligid.
‘’Hindi ito maari! Hinde!’’ sigaw ni Igme ng Makita ang security guard at ang kasama nitong bata na duguan at may mga tama sa ulo. Napa upo si Igme habang nakamasid sa mga dilat na bangkay ng mga napatay nito.
‘’Igme! Tulungan mo ako.’’ Sigaw ni Lucio na pumukaw sa atensyon ni Igme ng marinig ang pag hingi ng tulong ng kaibgan sa loob ng kwartong pinag eembalsamuhan ng mga patay. Dali dali itong pumasok hawak ang baril nito ng Makita ang kaibgan na naka higa sa kama at punong puno ng dugo.
‘’Anong nangyari ditto!’’ wika ni Igme ng biglang magsarado ang pinto at biglang makakrinig ng mga ungol sa paligid ng kwarto.
‘’Tulungan mo ako! Hmmmm, tulungan mo ako!’’ wika ng mga tinig ng bangkay na unti unting lumalapit sa katawan ng nakataling si Lucio. Napa atras si Igme pabalik ng pinto ng biglang may sumaksak sa kanyang likod at itoy walang iba kungdi si Michiko.
‘’Mama pakibilisan niyo lang po.’’ Wika ni Martha na nagmamadaling puntahana ng punenarya na pinagdalhan ng katawan ng anak niya. Nang tumigil ang taxi ay agad bumaba si Martha ng mapansin ang dalawang katawang nakabulagta sa labas ng punenarya. Hihingi sana ito ng tulong sa driver ng biglang humarurot papaalis ang taxi na tila ba natakot sa nakita nitong krimen sa lugar na iyon.