SAKURA ANG AMPON

719 15 0
                                    

Ilang taon na ang lumipas ng mamatay ang isang dalaga na ang nagngangalan ay Michiko. May nakapagsabi na nagpapakita ito sa kanyang mga kaibgan o di kaya makikita sa mga lugar na madalas nitong puntahan nung itoy nabubuhay pa. Isa sa mga naniniwala na di pa natatahimik ang kaluluwa ng dalagang si Michiko ay ang kanyang kapatid na babae na si Sakura. Pitong taong gulang pa lamang si Sakura ng mamatay ang ate niya at nakita niya mismo sa lamay ang kaluluwa ng kanyang ate na nakatitig ng masama sa kanilang mga magulang at sa mga taong nandun upang makiramay sa katawan niya. Palibhasa ay bata pa di maintindihan ni Sakura kung bakit nakikita parin niya ang kanyang ate kahit itoy patay na. Nawala lamang ang pagpapakita nito ng magdala si Sakura at nafocus ang atensyon sa pag aaral ng medisina. 

‘’Wag kang masyadong magpagod sa aralin mo anak, sige ka baka magkasakt ka.’’ Wika ng nag aalalang Mama niya kay Sakura.

‘’Ok lang ako Ma, kailangan kong mag aral para matupad ko iyong isa sa mga pangarap ni Ate Michiko ung maging doctor.’’ Wika ng masayahing si Sakura 

Isang malungkot na ngiti ang ibngay ni Aling Martha sa anak na si Sakura, naalala niya ang kaisa isang anak na babaeng si Michiko sa katauhan ng dalaga. Si Sakura ay ampon ng pamilya, ng taong kung kelan inampon si Sakura ay siya ring taon ng pagkamatay ng kanilang anak na si Michiko. Pinagmasdan ni Martha na nag aaral ng mabuti ang ampon habang inaalala ang anak na namatay sa katauhan ni Sakuran.

‘’Miss na miss na kita Michiko.’’ Wika ng lumuluhang si Martha na paakyat pabalik ng kwarto at maiiwan si Sakura ng mag isa sa kusina. 

‘Hum….hum…’’ huni ng isang babae na marirnig ni Michiko sa kanilang sala. Sa knyang kinauupuan sinilip niya ang lugar na pinang gagalingan ng huni ng babae ng mapansin na may isang babaeng nakahubad na nagsasayaw ng mag isa sa salas nila. Tumindig ang balahibo ni Sakura hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan at dahan dahan na ibinalik ang kanyang paningin sa kanyang kwaderno ng biglang Makita ang tapyas na mukha ng kanyang Ate Michiko na naka nganga at punong puno ng dugo.

‘Ah!’’ sigaw ni Sakura na agad tumayo at tumakbo pabalik ng kwarto niya. Pinakiramdaman niya ang paligid, agad niyang kinuha ang puting kumot at duun ay nagtago. Pansin niya mula sa liwanag ng de kuryenteng lampara ang anino ng isang babae na paikot ikot sa pwesto niya. Takot na ipinikit ni Sakura ang kanyang mga mata at pilit na winawaksi sa isipan ang pagmumulto ng ate Michiko niya. Nang maramdaman na tila nawala ang presensya ng ate nito ay muli niyang minulat ang kanyang mga mata at gnun na lamang ang gulat niya ng biglang sumulpot ang ulo ni Michiko sa harap nito at biglang sinunggaban ang dalaga.

‘’Pare asensado ka na ah grabe di ko akalain na magkakaroon ka rin ng sarili mong punenarya.’’ Wika ni Igme sa dating kaibgan na si Lucio dating kasama nitong embalsamador na ngaun ay yumaman dahil sa pagkakapanalo nito ng 500 daang libong piso sa lotto. 

‘’Oo nga pare, sino ba makakapagsabi na sweswertihin ako ng ganito. Halika pasok ka sa loob tingnan mo ung lugar ko.’’ Pagmamalaking wika ni Lucio sabay yakad sa kaibagn sa loob ng kanyang bagong tayong punenarya.

‘’Kahit kalian pare di ka na talaga humiwalay sa mga patay eh no?.’’ pabirong wika ni Igme sa dating kaibgan na si Lucio

‘’Oo pre napamahal na skn tong mga patay, para skn ito na ang karugtong ng aking buhay.’’ Wika ng nakatawang si Lucio ng mapansin ang isang dalaga na nakatingin sa sign board ng punenarya na tila ba nahahawig sa dati nitong nakilala.

‘’Pare pamilyar ba sayo ung batang iyon?’’ tanong ni Lucio sa kaibgan na agad tiningnan ang dalaga na napatingin sa dako nila.

‘’Parang pamilyar nga pare pero di ko matandaan san ko nakita, naku baka isa lang yan sa mga kamag anak ng mga na embalsamo ntn dati.’’ Wika ni Igme na patawa tawa habang seryosong nakatingin si Lucio sa papaalis na dalaga. 

Isang matamlay na Sakura ang napansin ni Martha na laging nagkukulong sa kwarto niya. Nabahala ito sa biglang pagbabago ng kanyang anak kaya naman ay dinalhan niya ito ng gatas na may kasamang sandwich na paborito ni Sakura.

‘’Sakura anak may problema ba?’’tanong ng nag aalalang si Martha sa anak na tila ba di pansin ang pagpasok niya at patuloy sa pag guhit ng larawan sa kanyang lamesa.

Nilapitan ni Martha ang dalaga at nagulat ito sa mga nakitang ginuhit ni Sakura. Mga larawan ng isang babae na nakahubad at mga lalakeng may hawak ng kutsilyo at karayom na puno ng dugo ang sumambulat sa papel na pinagsulatan ng anak.

‘’Bakit Mommy?’’ tanong ni Sakura na ikinagulat ni Martha, never siyang tinawag na Momy ni Sakura dahil Mama ang kinagisnang tawag nito sa kanya. Tanging si Michiko lamang ang tumatawag sa kanya ng Mommy at ng itoy mapatingin sa dalaga ay agad niyang nakita ang pagkakaparehas ng mukha ng kanyang yumaong anak na si Michiko.

‘’Michiko?’’ naguguluhang tanong ni Martha na unti unting hinahawakan ang mukha ni Sakura na nakatitig lamang sa kanya.

‘’Wala kang kwentang ina!’’ galit na wika ni Sakura sabay tulak kay Martha, gulat at gimbal ang makikita sa mukha nito ng Makita ang matalim na titig ng dalaga.

‘’Michiko anak ko? Ikaw bay an? Bakit ka nagagalit skn iha? Sabihin mo?’’ naluluhang wika ni Martha sabay patay ng mga ilaw na ikinagulat niya.

‘’Pinabayaan niyo akong mamatay! Wala kang kwentang ina!’’ wika ng tinig ni Michiko sa kadiliman habang nangangapa ang ina nyang si Martha hinahanap ang switch ng ilaw ng bigla itong madapa. 

‘’Michiko di ko alam ang sinasabi mo! Anong pinabayaan? D ko maintindihan!’’ lumuluhang wika ni Martha ng biglang nagkailaw at napansin ang nakabulagtang si Sakura na walang malay at namumutla.

Dali daling isinugod sa ospital ni Martha at ng kanyang asawa ang anak na si Sakura, Matiyaga itong naghintay sa labas ng E.R at nagmadaling nilapitan ang doctor ng itoy lumabas upang kausapin ang mag asawa.

‘’Im sorry sir but shes dead.’’ Malungkot na wika ng doctor sabay tapik sa balikat ni Carl na gulat sa sinapit ni Sakura.

‘’Hindi! Hindi pa patay ang anak ko! Hindi!’’ sigaw at pag tangis ni Martha ng malamang pati si Sakura ay wala na. Dali dali nitong tumakbo at pinuntahan ang anak na nakaratay sa higaan na unti unting tinatabunan ng putting kumot sa katawan.

‘’Bakit! Bakit dyos ko! Pati ba naman si Sakura, pati ba naman ang anak ko kukunin mo.’’ Pagtangis ni Martha habang pinapanood sa gilid ng isang lalaking pamilyar sa pamilya nila.

‘’Sila ang pamilya ni Michiko, ung dalagang napatay ko sa pag eembalsamo.’’ Gulat na wika ni Igme ng Makita ang ina ng dalagang napatay nito ilang taon na ang nakalipas sabay tingin sa bangkay ng dalaga na nakamulat at nakatingin ng masama sa kanya na lubos nitong ikinagulat.

Itutuloy………

THE FUNERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon