CHAPTER 8: TIME WITH YOU

66K 3.3K 840
                                    

Chapter 8: Time With You

“Not bad.”

Muntik na akong mapatalon mula sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa gilid ko. kanina pa ako wala sa sarili at nakatingn lang sa tubig na mula sa fountain.

Naniningkit ang mga matang hinarap ko si Nikon at tinaasan ng kilay. “Anong sabi mo?” tanong ko.

Naupo siya sa sementong bahagi ng fountain kung saan hindi siya mababasa. “I said not bad. Sabi nila hindi ka raw matalino ngunit malakas ang loob mo. From how I see, you’re not that bad.”

Puto, kung makipag-usap ‘to akala niya naman close kami? Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin bago ibinalik sa tibug ang paningin. I let all the thoughts drown. Akala ko ay tapos na ang mga hirap na pinagdaanan namin dahil sa nangyari but why do I feel otherwise?

“Problem?” sabat ulit ni Nikon.

“None of your business.”


“Make me invest in that business,” wika niya sa pabirong paraan ngunit mukhang hindi nagbibiro ang mukha niya. “To be honest I like your idea about preservezeer.”

“Class hours’ over kaya ayaw ko ng pag-usapan pa ‘yan,” pambabara ko sa kanya. Actally, what I wanted to say is that ayaw ko ng kausap. Edit, ayaw ko siyang kausap.


“Very witty idea lalo na at ang mamahal na ng mga gulay ngayon. Lalo na rito sa 1st ward. No more agricultural lands since the Capital already converted most to commercial lands.”

I exhaled sharply at muli siyang tiningnan nang masama. Siomai, parang gusto kong na literal na magkaroon ng pamatay na tingin. I really want to give him a deadly glare. Ang dami-dami ko na ngang iniisip tapos dadagdagan pa niya! Ipapaalala pa niya sa akin na hindi maganda ang takbo ng ekonomiya ngayon. Putong inflation!

“Pwede ba Nikon? Ang dami ko nang iniisip! Wag mo nang ipaalala pa iyan,” naiinis na wika ko. Pabida masyado, sarap niyang lunurin sa fountain. Pusangina niya.

Tinalikuran ko siya at mabibigat ang mga hakbang na bumalik na lamang sa dorm kaysa sa mas lalo akong mabwesit sa kanya.

Pagdating ko sa bldg. L-1485 ay wala akong taong naabutan doon. Looks like none of them went back here after the class. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng nakangiting si AndE.

“Hello Sunny,” masiglang bati niya.


Nakangiwing tiningnan ko si AndE. Buti pa sa siya walang problema. Hindi na niya kailangan isipin ang napakaraming bagay dahil nakaprogram na ang lahat ng solusyon para sa mga problemang haharapin niya. Samantalang ako. Ano bang kasalanan ko noong previous life ko at parang ang daming problemang sumasampal sa akin ngayon?

“Kumusta ang project ninyo?” tanong niya ulit.

Nilagpasan ko siya at naupo sa sofa, leaning my head on the headrest. Puto, I should be somewhere celebrating my success but why do I don’t feel like doing so?

“Malungkot ka? Hindi ka ba pumasa? Di bale ikaw naman ang pinakamatalino sa lahat.”

Tiningnan ko nang masama si AndE at tumayo. I checked the memory chip on her nape at gaya ng hinala ko ay program iyon na gawa ni Coco. The soothing AndE who will comfort people and tell them they are the best. Muli akong naupo at nagslouch sa sofa.

“Maliit ba ang marka mo?”

Putomaya mo AndE ah, masyado kang madaldal. Pero sabagay, kailangan ko ng kausap ngayon na hindi toxic gaya ni Nikon. I gues AndE’s the best thing for that.

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon