CHAPTER 28: NOTHING TO DO WITH YOU

54.9K 2.8K 778
                                    

Chapter 28: Nothing To Do With You

“Who the hell made this prank?!”

Umalingawngaw sa bawat sulo ng classroom ang malakas at galit na boses ni Tatsulok.

“SINO?!” he grabbed a guy near to him on the collar. “Ikaw?”

“H-hindi ako, T-triangle...” nahintatakutang sagot ng lalaki.

Triangle grabbed another guy and asked the same question ngunit parehong hindi ang sagot na nakuha niya sa mga lalaking halos maihi na sa takot. Can’t blame them. Triangle looks so angry right now and an angry Triangle is very scary.

“Then who the hell did!?”

Wala pa ring sumagot sa klase samantalang napakuyom din ako. I only know one person who draw something like that. The penmanship is very familiar, too, kaya na rin siguro ganoon kung maka-react si Tatsulok. Hinanap ko sa kumpol ng mga estudyante si Nikon and I found him sitting comfortably on his chair. Tila walang pakialam sa nangyayari sa harap.

Ibinagsak ko ang mga palad sa mesa niya. “Ikaw ba ang may gawa nito?”

Nikon raised his head to look at me. “What?”

“Stop playing dumb, Nikon,” naiinis na wika ko sa kanya. “Did you draw that thing?” tinuro ko ang kumpol ng mga tao. I’m sure he knows what’s behind them at kung bakit naroon sila. Everyone knows that only one person has the confidence to draw something like that whether on test papers or white boards.

Ibinaba niya ang kanyang ballpen at hinarap ako. “Why are you so angry? What’s with that graffiti?”

Pinigilan kong mas lalong mainis. I want an immediate answer right now. Yes or no kung siya ba ang nag-drawing ng pusanginang penis na ‘yan sa whiteboard! “Nikon, sagutin mo ang tanong ko.”

“No,” he replied without hesitation.

Napabuga ako ng hangin. Mahirap sabihin kung nagsisinungaling ba siya o hindi pero mukhang nagsasabi siya ng totoo. Sabay kaming napatingin sa pinto nang lumabas doon si Tatsulok at ibinagsak ang pinto. Bahagyang natahimik ang klase dahil sa takot. Ibinalik ko ang tingin kay Nikon. “Kapag nalaman kong ikaw ang may gawa nito, mananagot ka sa akin.”

“Why are you getting so angry over it?” bahagya siyang nag-isip at bigla siyang napangisi. “Ah, so it has something to do with the late Pentagon Grande Bermudo.”

Napakuyom na lamang ako nang sinabi niyang late Pentagon. Mali siya roon. Pentagon is alive ngunit hindi ko iyon sasabihin sa kanya hanggang sa matiyak ko muna at masiguradong magiging maayos siya.

Nikon keep his things in his bag at tumayo matapos isukbit sa kanyang balikat ang kanyang bag. Ginulo niya ang buhok ko gaya ng madalas na gawin ni Gon kaya agad kong tinabig ang kamay niya. He only responded with a laugh.

“Anyway, the second mandatory death will be at the Capital Circle this afternoon, see you there,” sabi nya bago lumabas ng classroom.

Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Puto, naiinis na nga ako sa sitwasyon tapos pinaalala pa niya ang kawalanghiyaan ni Moran. Bumalik ako sa upuan ko at ibinagsak ang bag. Trench looked at me for a while before he return his gazes at the whiteboard in front.

“That’s Pentagon’s penmanship,” sabi niya.

I know. Alam kong sulatkamay iyon ni Pentagon pero hindi pa rin kami dapat magpakasigurado. Madaling makopya ang sulatkamay kaya paano na lamang kung ginaya nga lang iyon at hindi naman talaga si Gon ang nagsulat?

”Ayaw ko munang mag-isip ng kahit ano,” sagot ko at napasalampak sa upuan ko. “I don’t know what to believe anymore. Mahirap magtiwala, Trench.”

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon