SAVE YOU

215 14 4
                                    

.

Ako si Carren 27 years old kasal kay Andhie 28 years old, limang taon na kameng mag asawa at may nag iisang anak na si Kathleen 5 years old. Naging kasintahan ko siya sa loob ng anim na taon, kinasal kame dahil nabuntis niya ako. Masaya naman ang una at mga sumunod na taon ng pagsasama nameng dalawa bilang mag asawa, kaso isang araw sinubok ng tadhana ang tatag ng relasyon nameng dalawa...

.

Isang araw nagpaalam siya saken na may aattendan siya na team building at sa Palawan ang lokasyon, dahil inakala ko na trabaho lang naman ang lahat pinayagan ko siya. Isang linggo siyang wala sa bahay at di manlang tumatawag para kamustahin kame ng anak niya. Kibit balikat ako sa di niya pagtawag ng isang linggo sameng mag ina niya, iniisip ko na lamang na baka busy siya sa mga programs nila.

.

Nung umuwi siya sa bahay mula sa nasabing team building agad ko siyang sinalubong ng yakap at kinamusta ang naging isang linggo niya doon...

.

"Hon namiss ka namen ni Kath, kamusta naman ang naging team building niyo? Sino ang naging guest speaken niyo?" usisa ko sa kanya.

.

Imbis na sagutin ang tanong ko, humalik lamang siya sa noo ko at nagtungo na sa kwarto. Sinundan ko naman siya nagbabakasakaling sasagutin niya ang tanong ko pero...

.

"Hon baket naman di mo sinagot yung tanong ko sayo, may nasabi ba akong mali?"

.

"Pagod ako hon, gusto ko muna magpahinga mamaya na lang naten yan pag usapan ang tungkol dun." walang emosyon niyang sabi.

.

Dahil ayokong magalet siya at mauwi pa sa pagtatalo iniwan ko na lamang siya para makapagpahinga at pinuntahan ang natutulog kong anak sa kabilang kwarto. Nakakapagtaka kasi wala manlang siyang pasalubong para sameng mag ina, di ba niya naalala na bilhan manlang kame ng kahit na ano?

.

Kinagabihan niluto ko ang paborito niyang ulam na menudo, magana naman siyang kumain pero nung nagtanong akong muli tungkol sa naging team buailding nila ay umiwas siya ng tingin saken. Gustong gusto kong malaman ang masasayang nangyare sa kanya sa Palawan pero ayaw naman ata niyang magkwento. May nangyare kayang di maganda?

.

"Hon may problema ba sa naging team building niyo? Baket pakiramdam ko parang iniiwasan mo na mapag usapan naten yun?"

.

"Wala naman hon, wala naman kasing magandang nangyare habang andun ako, puro nakakapagod na activities lang ang hinarap ko sa loob ng anim na araw. Nagsayang lang ako ng araw na wala kayo sa tabi ko."

.

"Ah, ganoon ba." medyo sweet yung dulo.

.

Ang maikling paliwanag niya na yun ang pumawi sa mga bumabagabag sa isip ko, inasikaso ko na lamang ang anak ko na si Kath dahil kailangan na niyang matulog. Matapos kong patulugin ang anak ko ay hinarap ko naman ang mga hugasin sa lababo, matapos nun ay saka ako nagtungo sa aming kwarto.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon