Chapter 23

1K 25 10
                                    

     "Waaaahh! Doon tayo!"

     -

     "Zandro, bili tayo lollipop!"

     -

     "Waaaah gusto ko 'yon!"

     -

     "Ayon pa!"

     -

     "Tara, carousel tayo!"

     -

     "Tara, sa fountain!"

    "Para naman akong nagbabysit ng bata sa'yo, Mryah," nagreklamo na si Zandro sa nahuli kong sabi. Kanina pa kami palipat-lipat dito at halos lahat ng mga hindi nakakahilong rides at games ay nasubukan na namin.

     "Ammmp, ang KJ mo naman!" simangot ko sa kanya and pouted my lips.

     "Hala may crane machine! Dali puntahan natin!" sabi ko with my eyes as if sparkling at mabilis na tinakbo ang sunod na punterya ko.

     "Mryah hoy hintay!" rinig ko namang pahabol niya kasi iniwan ko na siya.

     Nakatayo na ako sa tapat ng crane machine. My hands were on the glass and my eyes can't help it but peek through the glasses, "Mga stuff toy!!! Waaaahh!"

     "You want one of these?" it was Zandro's voice na ngayon ay nakahalukipkip na sa tabi ko.

     "Oo, Lalo na yung pusa o kaso 'di ako marunong." napanguso pa ako doon sa cute na laruang pusa.

     "So, gusto mo nga?"

     "Bakit Zandro, tutulungan mo'ko? Waaaah thank you!"

     Sumimangot siya at sinabing, "Kunin mo."

     "Amp, attitude ka talaga," napangiwi nalang ako.

     "Tara na punta tayo sa ibang parte ng perya," seryoso niyang turan pero hindi pa rin ako natinag, nasa laruang pusa pa rin talaga yung mata ko.

     "Pero gusto ko yun eh..." malungkot na yung tono ko, gusto ko talaga eh.

     Hinarap ko pa siya at nagpa-awa effect, "Please Zandro, kunin mo para sa'kin. Pleeeease?"

     "Psh," simangot pa niya pero hindi ko pa rin siya tinigilan.

     "Pleeeeeease?" pinitok-pitok ko pa yung mga mata ko, pa-beautiful eyes effect. Mwehe!

     Hindi pa nagtagal ay napabuga na siya ng hangin, "For Pete's sake, oo na."

     "Yeeeeey! O bayad ko."

     "Ako na. Ilibre mo nalang ako doon sa ferris wheel," pagsusungit pa niya. Attitude!

     First try. Sablay!

     Second try. Sablay ulit!

     Third try. Sablay pa rin!

     "Ba't ba kasi yung pusa pa? Ang hirap kunin!" natawa ako kasi nagreklamo na siya. Pinagpapawisan na tuloy siya sa kakalaro.

     "Eh gusto ko eh."

     "Psh. Yung iba nalang. Parehas lang namang stuff toys mga 'yan eh."

     "Yung pusa yung gusto ko eh. Attitude ka."

     "Waw, ikaw nga 'tong nagpumilit sa'kin maglaro. Aba! Mga babae nga naman hirap intindihin." Nagtalo na tuloy kami dahil sa punyetang crane game na 'to. Andamot, pa-hard pang ibigay sa'kin yung pusa.

     "Ako na nga hindi ka rin naman pala marunong eh." Inagaw ko sa kanya yung control at ako na ang maglalaro.

     Nag-inat pa ako ng mga daliri at proud na hinarap siya, "Watch me slay Zandro."

     Ta's ayon, sinimulan ko na yung i-control yung crane papunta sa pusa at kinontrol ulit pababa para manguha pero ibang stuff toy yung nahablot ng punyetang crane.

     Napasimangot ako sa nangyari at binitawan na yung controller, si Zandro naman ay malakas akong tinawanan, "O anyare?"

     "Sabi ko nga sa gilid nalang ako. Ikaw na ulit maglaro, putragis talaga."

     "Hays, sukuan mo nalang kasi 'yan," pangungumbinsi pa niya sa akin.

     "Ikaw nga hindi ko sinukuan, 'yan pa kaya?" hirit ko at bumungisngis sa kanya.

     Napamaang naman siya at ginulo ang bangs ko, "Aba bumanat pa, siraulo."

     "Nyenye! Balakajan, basta kunin mo yang pusa para sa'kin."

     "Tsk. Fine, but promise me last na'to. Nakakangawit kaya ng kamay," reklamo naman niya. Tango at ngiti lang ang tinugon ko sa kanya.

     Thrilled akong nagdikit ng mga palad habang pinagmamasdang laruin ni Zandro yung pabebeng crane.

     "Hala ayan na!" sigaw ko when he was able to lift the cat.

     "Sssssh, 'wag ka'ng magulo," sabi niya at kinontrol na naman ang crane papunta sa drophole and... viola!

     "Waaaaaaah! Nagawa mo!" sa sobrang tuwa ko ay napatalon at napayakap na ako sa kanya.

     "Aray, ang bigat mo! Nasasakal ako! Ba't ka nananalon? Pusa ka ba?" rinig kong sunod-sunod na reklamo niya habang magkadikit yung mga katawan namin.

     Humiwalay na ako sa kanya with the smile on my lips so wide. Hinintay ko'ng ilabas na nung machine ang stuff toy na pusa.

     Muli akong bumaling kay Zandro na ngayon ay parang werdo na hindi ako magawang tignan nang diretso. His face is projecting an expression of awkwardness, at pinagpapawisan pa siya.

     "O, anyare sa'yo? Niyakap lang kita saglit kinilig ka na agad? Uyyyyy." Inasar ko siya.

     "Asa ka pa. Naramdaman ko lang kasi."

     "Yung ano?" kyuryos ko namang tanong.

     "Yang... yang ano mo. Yan o. Malaki rin pala," awkward na sabi niya at napanguso sa dibdib ko. Napapansin ko rin ang pamumula niya.

     Napangisi ako, "Gusto mo?"

     "Siraulo ka, Mryah."

     My attention was diverted nang nilabas na nung machine ang napanalunan naming stuff toy na pusa. Agad ko iyong kinuha at niyakap, "Waaaaah! Nakuha rin kita!"

     "Nakuha ko, correction lang." singit ni Zandro.

     "Nyenye! Ang importante napasakin na'to." Binelatan ko siya.

     "Psh. Para kang bata. Tara na nga," sabi niya at naunang naglakad. Ako naman ay nakayakap parin sa stuff toy na pusa. 

     'This one's very special to me... It's something worth keeping since pinagpawisan pa ito ni Zandro.'

A Love in Despair  [Wattpad Edition|PUBLISHED]Where stories live. Discover now