Chapter 18

987 15 8
                                    

     Kasama ko si Cevy ngayon papunta sa canteen, vacant hour namin kaya naisipan naming bumili muna ng makakain.

     Saktong mapapadaan kami sa room nina Zandro bago makapunta sa canteen kaya nakipagsabwatan ako kay Cevy na sadyaing dahan-dahanin ang mga hakbang kapag nasa labas na kami ng room ni crush.

     Ngayon ay nandito na kami, "Cevy, yung usapan ha. Lalandi muna ako ngayon."

     "Siraulo ka talaga, Mryah."

     So heto na, kunyare pasimpleng lakad lang pero yung mga mata ko nakatingin sa loob ng classroom nila Zandro. There I found him na nakatayo sa harap ng lahat habang may ini-explain, report ata.

     Ang cool niya tignan, straight English mga te!

     Saglit siyang natigilan at nagkasalubong ang kilay nang napansin akong dumadaan sa labas ng bintana ng classroom nila. Nginitian ko siya pero hindi niya iyon ginantihan at sa halip ay nagpatuloy lang sa pagre-report. Attitude amp.

     Sa sumunod na sandali ay nakita ko na siyang tumayo na sa gilid ng board malapit sa pintuan ng classroom nila, tapos na siyang mag-report at yung kaklase na naman niya ngayon ang nagpapaliwanag.

     Eksaktong nasa tapat na kami ni Cevy sa pinto ng room nila nang tinignan ako ni Zandro. Tae, our eyes just crossed along the distance.

     Just then...

     "Aaaaaah!" napasigaw ako when someone suddenly pushed me papapasok sa classroom nila as I went out of balance kasabay ng pag-alingawngaw ng hiyawan sa buong paligid.

     Napalunok ako at napapitok nang mga mata sa makailang beses habang nakatitig sa mukhang nasa tapat ko, si Zandro. I just found myself on his arms the next moment. He was able to catch me bago pa ako tuluyang matihaya sa semento.

     "Awwwiiiit!"

     "Tapang ni ate ghorl."

     "Sanaol."

     "Yieeeeeee!"

    Kaagad akong kumalas mula sa kanya at umayos ng tayo, si Cevy ay wala na sa labas malamang nakatakbo na.

     'Walangya ka talaga Cevy! Wala 'to sa usapan natin!'

Napalunok ako sa lahat ng mga kaklase niya na ngayon ay inaasar pa rin kaming dalawa ni Zandro. Kasalanan 'to ni Cevy eh.

     'Langya, may teacher pa naman, siraulo talaga yung hunghang na yun! Talbugin ba naman ako sa taba niya?'

     I bowed my head to everyone at nag-sorry tsaka ako kumaripas ng takbo.

     NAABUTAN ko si Cevy sa labas ng senior high building, tawang-tawa pa ang bruha pagkakita sa'kin.

     "Wala sa usapan yun, siraulo ka." Pinitik ko ang malapad niyang noo.

     Natawa pa rin siya, "Bakit? Ayaw mo ba no'n?"

     Sumagot ako, "Siraulo ka. Syempre, gusto ko ulitin natin 'yon!"

     "Malandi kang bruha ka!" napahalakhak na siya at ganun rin ako.

     "Tara, may libre ka sa'kin ngayon. Da best ka talaga Cev!"

[Don't forget to comment 💬 and hit that small star 🌟 Thank you! 😺]

A Love in Despair  [Wattpad Edition|PUBLISHED]Where stories live. Discover now