Chapter 02

1K 29 18
                                    

     Quiz namin sa math ngayon. Sa sumasalubong palang na mga numero't simbolong kahit kailan ay hindi ko maintindihan, nalulula na ako.

     "O, Ms. Lao? Okay ka lang?" Mula sa pagsasagot ay naag-angat ako ng tingin sa guro kong marahang tumapik sa aking balikat. Marahil napansin niya ang pagluha sa aking mga mata.

     "O-oo po, ma'am," sagot ko naman. Ang mga kaklase ko rin ay napatingin na sa akin.

     "Sigurado ka?" paniniguro pa ng aming guro. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

     "Yes po, ma'am. No worries, natutuwa lang ako sa pagsasagot, tears of joy po." Sinungaling! 'Ang kulit naman kasi, eh.'

     "Sigurado ka ha, if you need something just tell me right, away." Mabait si ma'am, strikta nga lang pagdating sa cheating kaya nang napansin niyang nakatingin na sa akin ang mga kaklase'y sinita na niya ang mga ito't pinabalik sa pagsagot sa kani-kaniyang mga papel.

     Ako naman ay nagpatuloy na sa pag-iyak. 

     'Yes, ayan na!' sabi ko sa isip nang sa wakas ay pumatak na rin ang aking luha sa isa sa mga letra sa test paper na pinapasugatan ni ma'am, at ito na nga ang binilugan ko bilang sagot.

     'Ganito naman talaga ng buhay-estudyante, kapag wala kang maisagot, umiyak ka nalang. Malay mo, 'yong mga luha mo pala magpapapasa sa'yo.'

     Nang sumapit ang hapon ng araw na 'yon, pinagtawanan ako ni Cevy dahil sa naging tactic ko sa pagkuha ng sagot sa isang quiz na hindi ko talaga pinag-aralan.

     "Akalain mo 'yon? Nakakuha ka pa ng 12/50 sa long quiz natin? Buti nalang multiple choice!" Tumawa pa si Cevy.

     "At least 'di ba, 'di zero or 8/50 gaya ng isa riyan." Siya ang pinariringgan ko. Ang mahalaga'y nakaganti ako. Pareho nalang kaming kunyari naiiyak, at pinagtawanan ang mga scores namin sa huli.

     "HAHA! Grades don't matter naman!" she assured.

     "Yeah yeah, the right magic word for people like us, tama 'yan, comfort words." Ako naman ang tumawa. Ngunit hindi nagtagal ay natigilan ako nang namataan ko si Zandro sa unahan. Napansin kong lumabas siya ng gate na hindi dala ang kaniyang bisiklita kaya sa pagtataka'y mabilis akong namaalam kay Cevy upang siya'y sundan.

     Sa huli, para akong isang master ninja na sinisikap na magtago sa bawat posteng madadaanan hindi niya lang ako makita.

     'Ay sandali.' Natigilan ako saglit nang may napagtanto. 'Bakit nga ba ako magtatago gayo'ng makapal namana ng mukha ko?'

     Lumabas na ako mula sa isang poste at kunyare hindi ko siya sinusundan.

     Mukhang hindi naman niya ako napansin dahil hindi naman niya ako sinita. At sa huli, dinala ako ng mga paa ko sa isang cathedral. Doon ko na huling nakitang pumasok si Zandro kaya pumasok na rin ako.

     "Nasa'n na kaya 'yo?" pabulong na tanong ko sa ere at nilibot ng aking mga mata ang paligid upang mahanap siya.

     Hanggang sa aking pagkapagod ay wala sa sarili na akong umupo sa isang upuan. "Ba't nawalang bigla?"

     Nag-antay ako, dumarami na rin ang mga tao sa loob. 'Hindi pa nga naging kami pero na-ghost na ako kaagad? Ramdam n'yo 'yon? Ramdam ko 'yon!'

     'Baka nama'y napansin nga niya ang pagsunod ko kanina, pero nagpapanggap lang siya upang ma-ghost na nga niya ako?'

     Sa huli, napagtanto ko nalang na may mesa pala sa hapong iyon. At nang akmang aalis ako ay naningkit ang mga mata ko nang namataan ko sa unahan si Zandro. Hindi pa ako makapaniwala sa una ngunit sa huli'y lihim akong napabulalas nang napagtanto ko ang aking natuklasan.

A Love in Despair  [Wattpad Edition|PUBLISHED]Where stories live. Discover now