Kabanata 5

42 1 0
                                    

Sunod sunod ang naging pagtulo ng luha ko. Namanhid ang buong katawan ko...

"S-sorry ate. Hindi namin sinasadya. Ate please, patawarin mo ako." Lumuhod siya sa sahig at niyakap ang bewang ko.

Hindi ako makagalaw. Tila napako ang paa ko sa semento. N-no.

"Wag mong idamay ang mapapangasawa ko sa kalandian mo! Sinong ama ng anak mo Nica?!"

Hindi ko kayang tanggapin...

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin sina mama at papa.

"Oh anong nangyayari dito? Naiah? Nica?"

Tumayo mula sa pagkakaluhod si Nica at lumingon sa kanila. Bumaba ang tingin ni mama sa pregnancy test na nahulog sa sahig.

"Sinong buntis? Ikaw ba Naiah?" Sunod sunod ang naging pag iling ko.

Sana nga ako na lang ang buntis.

Kumunot naman ang noo ni mama. Dumako ang tingin niya kay Nica.

"Ikaw?"

Mabigat ang naging hakbang niya papunta kay Nica. Sunod sunod ang naging pag alog at sampal niya sa kanya. Hindi ko alam pero wala akong maramdamang awa sa kapatid ko.

Matatawag na ba akong masama kung natutuwa akong makita siyang nasasaktan? Pakiramdam ko kulang na kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko.

I felt betrayed.

My fiancé just cheated on me with my sister. Wala ng sasakit pa sa katotohanang yun. Mali bang naging sobrang saya kaya ako pinaparusahan ng ganito.

What have I done to deserve this kind of shit?!

Dali dali akong dumiretso sa kotse ko at nagtungo sa condo ni Reed. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa elevator dahil sa patuloy na daloy ng luha ko.

Agad akong dumiretso sa tapat ng unit ni Reed at sunod sunod na kumatok.

"Love?"

"Totoo ba?" Natigilan siya sa tinanong ko at namutla.

"Love---."

"I said totoo ba?! Totoo bang may nangyari sa inyo ng kapatid ko?!" Tumutulo na din ang luha niya.

"Naiah let me explain."

"No! Para saan pa? Reed...paano mo nagawa sa akin to? Bakit yung kapatid ko pa?!" Hindi na ako makahinga dahil sa sunod sunod na paghikbi ko. Lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa.

"Love hindi ko sinasadya. Lasing kami---."

"Enough with your bullshit reason Reed! Pinagtaksilan mo pa rin ako. Sinaktan mo pa din ako. Shit Reed bakit yung kapatid ko pa? Anong nagawa kong pagkukulang?"

Ang sakit isipin na nagtaksil sayo yung taong mahal mo. Pero mas masakit isipin na kasama niyang nagtaksil ang sarili mong kapatid.

"Love lasing ako non, hindi ko alam ang ginagawa ko. I tried to stop, maniwala ka."

"Wag mong sabihin sa akin Reed na lasing ka dahil putangina kung mahal mo talaga ako kahit ilang alak man ang inumin mo hindi mo gagawin sa akin yun kasi alam mong masasaktan ako! Tangina binuntis mo yung kapatid ko!"

Hinampas hampas ko na siya sa dibdib niya pero kahit anong hampas ko hindi parin mawala ang sakit sa dibdib ko.

"Yung apat na taon Reed, hindi pa ba sapat yun para hindi mo ako pagtaksilan? Ang sakit sakit. Para mo na rin akong pinatay...bakit yung kapatid ko pa?"



Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon