Kabanata 1

98 0 0
                                    

"Loveeeee!" Mahaba kong sigaw habang hinihintay siyang bumaba sa kotse niya.

"Makasigaw ka naman. Parang hindi tayo nagkita kahapon." Natatawang sagot niya. Napangiti na lang ako.

"Namiss kita eh." I pouted.

"Really? Don't worry I miss you too love."

Agad ko siyang nilapitan at niyakap sa bewang niya. I felt him kissed my forehead.

"Where do you wanna go love? Ang tagal na din nung huli tayong magdate. I'm sorry I got so busy that I haven't spend enough time with you. Sorry love." I can see in his eyes that he's really sincere, so why decline his apology right?

"Don't worry love, I understand. Alam ko naman na para sa atin din ang ginagawa mo." Naglalakad kami papunta sa loob ng bahay namin.

"Of course, para sa future natin to. Nagtatrabaho ako para maibigay sayo ang gusto mong wedding. Para rin mabigyan kita ng magandang buhay pati na rin ang mga magiging anak natin."

I am really lucky to have this man by my side. He's been my bestfriend, my family and my partner in our four years relationship.

He started courting me when I was on my first year in collage. After almost one year ay sinagot ko na din siya. Ahead siya sa akin ng one year. 

Now, he's a successful engineer at ako nama'y nagtatrabaho na as chef. Balak naming magtayo ng sariling restaurant one day. Nag iipon pa kami sa ngayon.

"Oh Reed, nandyan ka na pala hijo, halika pasok kayo. Nagluto ako ng paborito mo." Salubong sa amin ni Mama. Agad naman siyang ngumiti at nagmano kay Mama.

"Nako tita, patatabain niyo naman ako niyan eh. Alam niyo namang hindi ko kayo matatanggihan." Close na rin sila nina mama at papa kahit nung nanliligaw pa lang siya. Sino ba namang hindi magugustuhan ang isang katulad niya? Mabait, responsable, magalang at gwapo pa.

For me, he's the best boyfriend that any girl can have.

"Ate, pahiram nga ng kotse. May gagawin lang po kami para sa thesis namin. Sige na, please..." Nagmamakaawang hiling ng kapatid ko.

"Kunin mo nalang sa bag ko yung susi. Nica, mag ingat sa pagd-drive ha." Nag-okay lang siya sa akin at agad na pumasok sa loob ng bahay.

"Naiah, wag mo ngang sanayin ang kapatid mo. Maya maya lagi na niyang hihiramin ang kotse mo."

Natatawa kong inakbayan si Mama. "Ma, hayaan mo na si Nica. Para naman sa thesis nila yun eh."

Napabuntong hininga na lang si mama at niyaya na kaming pumasok sa loob.

Naramdaman ko ang kamay ni Reed na pumulupot sa bewang ko. Naramdaman kong hinalikan niya ang dulo ng tenga ko na nagbigay ng kiliti sa akin.

"I love you Naiah."

"I love you too Reed."

Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon