Ibinalita agad namin kina mama ang tungkol sa pagpapakasal namin. As expected, tuwang tuwa sila.
"Sabi ko na nga ba at kayo din sa huli. Naku! Bagay na bagay talaga kayo."
Malawak na ngiti ang isinukli namin kay mama. Napadako ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Mula kahapon ay hindi niya pinapakawalan ang kamay ko. Kaunting segundo lang ay hinahawakan na agad niya ang kamy ko na para bang mawawala ako.
Wal nang makakasira pa sa kasiyahang nararamdaman ko.
"Eh kelan niyo ba gustong ikasal?" Tanong ni papa.
"Balak po sana namin tito na siguro pagkaraan ng limang buwan. Hindi na po kasi ako makapaghintay na pakasalan ang anak niyo." Nakangiti niyang sagot at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Tawagin mo na akong papa. Pasasaan pa't magiging parte ka na ng pamilya namin."
***
Mabilis na nakalipas ang apat na buwan. Ilang linggo na lang ay kasal na namin. Naging hands on ako pagdating sa kasal. Gusto ko maging maayos ang araw na pinakahihintay namin ni Reed.
Tinitingnan ko ang lista ng mga kailangang asikasuhin nang biglang tumunog ang phone ko.
"Love."
Kusang nabanat ang labi ko at pumorma ng ngiti.
"Hi love, how's your day?" I sweetly replied.
"Love, nagyaya kasi sina Luke na magbar. Sinagot na kasi siya nung nililigawan niya eh. Okay lang ba?"
Sandali akong napaisip. Wala naman sigurong masama kung payagan ko siya diba?
"No problem love. Basta wag masyadong iinom ha. Baka hindi ka na makapagdrive ng maayos niyan ha."
"Thank you love. Mag iingat ako promise. I love you Naiah."
"I love you too love.
Sumapit ang gabi at muli kong tiningnan ang cellphone. No call nor texts. Baka napasarap lang ng inom. Iwinaksi ko na lang ang mga gumugulo sa isip ko at natulog na lang.
***
Kinabukasan ay muli kong tinawagan si Reed.
'The number you have dialled is---."
Agad ko nang pinutol ang tawag at ibinaba ang phone ko. Hindi pa niya ako kino-contact mula kagabi. Wala naman sigurong masamang nangyari.
Naputol ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at nakahinga ako ng maluwag ng makita kung sino ang tumatawag.
Love Calling...
Agad ko itong sinagot.
"Love!"
"Love."
Ako lang ba o sadyang matamlay ang boses niya?
"Love are you okay? You sound sick? Napadami ba ang inom mo?" I asked.
"A-ahh yes love. Napadami lang. Sakit nga ng ulo ko eh. Hindi agad ako nagising."
Nag alala naman ako sa kanya.
"Do you want me to go there?"
"Wag na love. Mapapagod ka pa. Kaya ko na to."
"Are you sure?"
"Yes love."
Ilang segundong katahimikan pa ang lumipas bago siya muling magsalita.
"I love you Naiah." Napakunot ang noo ko. Why a sudden I love you Reed?
"I love you too. Inom ka ng gamot ha?"
"Yes love."
"Ok bye!"
Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Sana wala lang tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Broken Promise
Ficción GeneralA SHORT STORY "Ikaw lang ang babaeng pakakasalan at mamahalin ko. Wala ng iba." "Pangako?" "Pangako."