Sa apat na taon na pinagsamahan namin, syempre hindi maiiwasan ang mga problema. Pero naaayos din naman agad. Lalambingin niya lang ako at susuyuin. At dahil mahal ko siya papatawarin ko din siya agad.
Doon ba ako nagkamali? Masyado ba akong nakampante? Nagkulang ba ako?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Sa sobrang dami pakiramdam ko sasabog na ang isip at puso ko.
"Love, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako. S-susuportahan ko ang bata pero hanggang dun lang yun. Ikaw ang mahal ko." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikhalikan. Parehas kami ngayong nasa loob ng unit niya.
"At ano, iiwan mo yung batang walang kinikilalang ama? Magpakalalaki ka naman Reed. Panindigan mo yung batang naging bunga ng pagtataksil niyo ng kapatid ko."
Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaupo. Nanlambot pa ang tuhod ko kaya muntik na akong matumba.
"Naiah ikaw lang ang mahal ko."
Napatigil ako sa paglalakad.
"Yes, you do love. But maybe your love wasn't enough for you to stay faithful to me. Sana naisip mo yan bago ka nakipaglandian sa kapatid ko." Sabi ko at pinilit na tumayo ng diretso. Sinikap kong makaalis sa unit niya. Hindi parin nawawala ni nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa bahay. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin sina mama, papa at nica na nakaupo sa may sala.
Hindi ko sila pinansin at dirediretso lang ako papunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad kong binalibag pasara ang pinto at muling humagulgol.
Binasag ko lahat ng pwede kong mabasag. Ibinato ko ang lahat ng pwede kong maibato. Ipinilit kong isigaw lahat ng hinanakit ko pero kahit anong gawin ko ay nasasaktan pa rin ako.
Kinuha ko ang maleta na nakatabi sa kwarto ko at pinagkukuha lahat ng damit ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Nica.
"A-ate..."
"Utang na loob Nica, huwag kang lalapit sa akin. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan kita."
Natigilan siya sa paghakbang.
"Hayaan mo muna akong palipasin ang galit ko. Baka sakali...baka sakaling magkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ka."
Kinig na kinig ko ang hagulgol niya pero wala akong pakialam. Pagkatapos kong ilagay lahat ng damit ko ay hinila ko agad ito palabas. Hindi ko siya tiningnan ni sinulyapan man lang. Nilampasan ko lang siya at tuloy tuloy sa paglabas.
"A-anak san ka pupunta." Tanong ni papa.
"Hayaan niyo po muna akong makapag isa. Hindi ko kayang tumagal sa isang bahay kasama ang isang traydor." Lumuluha na din sila ni mama. Dito na lang ba lahat mapupunta ang paghihirap ko?
Ipinagpatuloy ko na ang paglabas at nilagay sa compartment ang maleta ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob at pinaandar ito.
Wala akong pakialam kahit umaabot na sa 190kph ang takbo ko. Gusto ko munang tumakas sa lahat ng sakit. Pero alam kong kahit anong takas ko ay hahabulin parin ako nito.
Nagcheck in ako sa isang hotel malayo sa amin. Alam kong kanina pa ako pinagtitinginan dahil sa mugtong mata ko pero wala akong pakialam. Matapos kong makuha ang susi ay agad akong nagtungo sa kwarto.
Agad akong dumapa sa kama at pinakawalan ang hagulgol at mga luha ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa pag iyak...
BINABASA MO ANG
Broken Promise
General FictionA SHORT STORY "Ikaw lang ang babaeng pakakasalan at mamahalin ko. Wala ng iba." "Pangako?" "Pangako."