Dear You,
Unang sulat ko para sa'yo ito.Nasaan na ang pangako?Bakit biglang naglaho?Pag-ibig mo ba'y totoo?O gagohan lang ang nabuo?Mahal nagsimula tayo nang ikaw ang may gusto ba't ngayo'y ako ang naghahabol na parang aso?Natatandaan mo pa ba?Noong sinabi mo ang katagang "Mahal kita"?Puro tanong ang nasusulat ko ngunit maari mo bang sagotin ng deretso?Ano ba ang nangyari sa salitang binitawan mo?Wari ba'y naging bato.Sana masagot mo na nang matahimik naman kahit papaano ang puso kong may sugat na patuloy mong sinusugatan ng hindi mo nalalaman.Ngunit sinta pwede bang ako nalang ulit ang nilalaman ng puso mo?
Patuloy na nagmamahal,
T.A.N.G.A
BINABASA MO ANG
500 Sulat Mula Sa Puso Kong May Sugat
Poetry500 sulat na pinaghuhugotan ng lahat.Iba't ibang sitwasyon na maaring kinabibilangan mo noon,ngayon o di kaya'y mararanasan mo pa sa pagdating ng panahon.Mga katagang inipon ng puso hanggang sa mabuo ng utak at naging sulat na galing sa damdaming ma...