Sulat #4: Panaginip

6 0 0
                                    

Dear You,

                          Isang araw namulat ako sa katotohanang wala palang tayo.Na pawang nagising sa isang matamis na panaginip na kung saan tayo ang bida sa dalawang taong malayang nag-iibigan sa isang palasyong pinamumunuan.Ikaw ang hari,ako ang reyna at lahat ng tao sa ating kaharian ay nakaka-alam sa ating pag-iibigan.Ngunit isang araw nagising ako nang may ulang bumuhos sa mukhang minsan lang nauulanan.Hindi ko alam na ang palasyo palang iyon ay nagmula lang sa aking isipan.Nagising ako nang hindi natutulog.Lahat ng iyon ay totoong kasinungalingang pinaniwalaan ng babaeng nabulag mula sa katotohanan dahil sa mga matatamis na salitang iyong binitawan.

                                                                                                  Naniwala,

                                                                                                                         S.A.K.A.S.I.N.U.N.G.A.L.I.N.G.A.N

500 Sulat Mula Sa Puso Kong May SugatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon