Dear You,
Nakikita ko na,dati pa.Sa tingin mo ba didistansya ako sa'yo kung wala akong nakita?Hindi ako bulag at hindi rin ako nagbubulag-bulagan.Ang hirap lang kasing tanggapin...Akala ko ikaw na pero akala lang pala.Sa liwanag makikita mo akong masaya,sa dilim hindi mo makikita ang nasasaktan kong mata pero maririnig mo ang sakit na dinulot ng pag sinta.Ang sakit pala,ang sakit makitang may mahal ka nang iba.Hindi ko kaya ngunit kakayanin ko dahil pipiliin kong masaktan kaysa maging masaya sa piling mo kahit alam kong sa tuwing lilingon ako siya ang hanap mo.Pipiliin kong masaktan dahil nawala ka kaysa maging masaya ngunit malulungkot ka sapagkat ako at hindi siya ang iyong kasama.
Kaya ngayon pa lang papakawalan na kita.Mahal kita pero may mahal ka nang iba.Papalayain kita dahil alam kong sa kanya ka mas sasaya.Masakit pero mas masakit pag ikaw na mismo ang bibitaw sa pag-iibigang noon ay iyong sinisigaw.
Nagpaparaya,
K.a.h.i.t.M.a.h.i.r.a.p
BINABASA MO ANG
500 Sulat Mula Sa Puso Kong May Sugat
Poesía500 sulat na pinaghuhugotan ng lahat.Iba't ibang sitwasyon na maaring kinabibilangan mo noon,ngayon o di kaya'y mararanasan mo pa sa pagdating ng panahon.Mga katagang inipon ng puso hanggang sa mabuo ng utak at naging sulat na galing sa damdaming ma...