Sulat #3: Paano Kaya?

10 0 0
                                    

Dear You,

                  Paano kaya kung hindi ka umalis?Mararating ko ba ang narating ko ngayon?Paano kaya kung ta'yo pa?Masaya pa rin kaya ako ngayon?Paano kaya kung hindi kayo nagkita?Paano kaya?Masakit mawalan lalo na kung ang nawala ay ang taong pinangakuhan ka nang pag-ibig na walang hanggan.Sa pagkawala mo nawala rin ako.Akala ko pa nga nawalan na nang saysay ang buhay sa mundo.Ngunit nagbago ang lahat nung tumingin ako sa paligid ko.Bakit ba ako naghahanap ng pagmamahal mo kung may mga tao namang totoong nagmamahal para sakin?Habang sinira mo ang puso ko di ko namamalayang sinisira ko na pala ang buhay ko.Sa tuwing pipikit ako makikita ko lahat.Lahat,pati ang ngiti mo habang tinitingnan ang babaeng pumalit sa puwesto ko.Ang sakit pero anong magagawa ko?Magwawal-wal?Sinira mo na,Ba't ko pa sisirain ang sarili kong sirang-sira na?Siguro nasanay na ako.Nasanay sa sakit na dinulot mo.Kaya kung paano mo'ko sinira noon,ganoon rin ang ginawa kong pag-ayos sa buhay ko ngayon.Hindi ikaw ang buhay ko pero ikaw ang kahulugan nito.Kahit ikaw ang kahulugan ng buhay ko hindi ito sapat para pabayaan ang buhay para sa isang taong kagaya mo.

                                                                                                                        Nagbabago,

                                                                                                                                        S.I.N.A.K.T.A.N.M.O.

500 Sulat Mula Sa Puso Kong May SugatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon