Paano natin sisimulan ang mali
Paano ko tatapusin ang wala
Paano ako bibitaw sa lubid ng hangin
Nakahit kailan ay walang atin.Simulan natin ang wala
Imahinasyon ng puso na hindi itinadhana
Kahit kailan ay hindi magiging tama
Ang pag - iibigan na mali sa simulaIpinagkait ni kupido ang pareho nating damdamin
Sapagkat tayo'y magkaiba simula pa lang
Iba ang nakaguhit sa palad natin
Mali na simulan ang mali,kahit kailan hindi naging tama ang maliOras,panahon,henerasyon salungat sa atin
Araw,buwan,bituin ayaw tayong pag - isahin
Lakas ng hangin,daluyong ng tubig pilit pinaglalayo ang mundo natin
Sa lupa na may mapangmata na mga tao,hindi matatanggap ang meron tayoAkin nang tatapusin ang wala
Ang laban na ako at sarili ko lang ang gumawa
Walang ikaw at ako sa tayo,dahil walang tayo
Meron lang ay ikaw ay ikaw,at ako ay ako sa mundoMag-isa akong maglalakad,tatakbo palayo sa iyo
Magtatago sa bawat sulok ng mundo
Gagawing bato ang damdamin para sa iyo
Upang di na muling masaktan ang puso koBibitaw na ako sa damdamin ko
Palalayain ko na ang puso na nahulog sa iyo
Hahayaan kong lumago at tumibay ang sarili ko
Mula sa pagkakadapa sa putik ako'y babangonHindi tayo itinakda ng nasa itaas
Hindi tayo ang magka red string sa isa't isa
Ngunit sana sa muli nating pagkikita ay wala na ang damdamin para sa ating dalawa~stormseey

BINABASA MO ANG
Journal Entries
PoetryThis are my thoughts and random stuff. You're free to read the poems that's running in my mind.This are just cause of some craziness and weird thoughts. Enjoy ❤