Ang sarap balikan ng mga araw na tayo ay masaya
Lagi tayong magkasamang dalawa
Sanggang dikit tayo sabi ng iba
Hindi daw tayo mapaghiwalay sabi nila
Buo ang araw ko kapag andiyan ka
Kulitan na walang hanggan
Asaran na walang katapusan
Problema ay wala,basta kasama ka
Walang laban si Goblin sa iyo
Ang maulap Kong langit ay nagiging maliwanag na paraiso
Yung paghawak mo sa kamay ko
Sweet long message na text mo
Yung magdamagang telebabad sa telepono
Yung pag akbay mo sa tuwing maglalakad tayo
Yung nakakakilig sagad to the bones na effort at surprises mo
Lahat ng iyan pinakilig ako
Lahat ng iyan kinaiinggitan ng mga tao
Lahat ng iyan iniyakan ko
Ang saya diba?Ang sarap balikan ng kalokohan ko
Na merong tayo sa dulo
Na lahat ng iyon ay merong ako
Pero teka,sino ba ako?
Sino ba ako sa iyo?
Oo nga pala,kaibigan mo lang pala ako
Yung paghawak mo sa kamay ko tuwing maiiwan ako sa paglalakad niyo
Sweet long message text mo na pinagpraktisan na isesend mo
Yung magdamagang telebabad sa telepono para sa mga plano mo sa monthsary niyo
Yung pag akbay mo sa tuwing maglalakad tayo dahil sa mga pabor mo
Yung nakakakilig sagad to the bones na effort at surprises mo para sa mahal mo
Lahat ng iyan pinakilig ako sa likod ng babaeng mahal mo
Dahil hindi naman ako yung mahal mo
Pinapanalangin ko na sana ako na lang siya
Sana ako na lang yung mahal mo
Sana ako na lang
Ginawa ko naman lahat ng gusto mo
Pasado naman ang mga grades ko
Pero bakit pagdating sa iyo ang grade ko ay namumulang singko?
Lunod na lunod ako sa kahibangan ko
Umaasa na magkaroon ng tayo sa pagitan ng ikaw at ako
Naiwan ako sa dulo
Ang meron sa mundong ito ay kayo
Ang masaya niyong libro
Puno ng magic,mala fairytale ang plot at scenario
Yung libro ko?mala horror ang datingan
Nakakatakot,nakakatakot kasing magmahal
Nakakatakot na makita kayong masaya
Nasisira yung mundo ko
Yung mundo na merong salitang tayo sa pinakamaliit na sulok ng puso ko
Masakit?Sanay na ako
Paulit ulit na kasi akong pinatay ng mga ngiti niyo
Inimbita niyo pa ako sa pinakamasayang araw niyo
Araw ding gumuho ang mundo ko
Ang horror story ko na inyong tinapos
Ang ending,puso ko ay pulbos.~stormseey

BINABASA MO ANG
Journal Entries
PoetryThis are my thoughts and random stuff. You're free to read the poems that's running in my mind.This are just cause of some craziness and weird thoughts. Enjoy ❤