Kabanata 4

2.4K 288 10
                                        

WSG#Kabanata 4

I've to go Rosie, ipapasundo nalang kita sa driver" I told my sister.

"Sayang. Masarap pa naman magluto si Aling Bebang. Sigurado kang aalis ka na?"

"You know I treasure that house and seeing it occupied by other people just don't make me at ease"

"Ok see you later Kuya" she said and kissed my cheek.

I  immediately sped off when she climb out the car.

Wala sa sarili akong nagpunta sa bayan, papasok sa simbahan kung saan lagi kaming dinadala ni mommy noon.

Pumasok ako sa loob hindi para magdasal kung hindi para alalahanin ang itsura nito. Matagal tagal narin akong hindi nagagawi dito, simula ng kuhanin Niya si mommy ay di na ako nadalaw sa tahanan niya. May tampo ako sa Diyos oo pero hindi naman ibig sabihin non na wala na akong pananalig sa kanya.

I sat quietly at the last pew at iginala ang mata ko sa kabuuan ng simbahan. Katabi ko ang antigong kumpisalan. Gawa ito sa Narra at may nakalilok na mukha ng trinity. Naka ilaw ang kumpisalan kaya alam kong kasalukuyang may nangu-ngumpisal.

"Bless me father for I always sin" Tinig ng familiar na boses, present tense pa ang ginamit niya kaya napatingin ako sa gawi ng kumpisalan. I do not intend to eavesdrop but then rinig ko talaga mula sa pwesto  ko ang sinasabi ng babae.

"Sabihin mo anak kung ano man ang mga pagkakasala mo"

"Ganito kasi father hindi ko naman gusto ang kasalanan ko, trabaho lang, walang personalan"

"Linawin mo ng mabuti anak, hindi ko kayang manghula ng kasalanan" the priest said kaya napangiti ako.

"Ako po ay nagpapayo sa makamundong paraan ng mga bagay bagay. Madalas may kalaswaan po ang mga ipinapayo ko pero promise hindi ko po gustong gawin yun ng mga pinapayuhan ko, nag aalala akong naiimpluwensiyahan ko sila, sikat kasi ako father you know" the woman said at hindi ko mapigilang umiling, how could she be full of herself yet guilty at the same time. However her way of talking was definitely familiar.

"Naguguluhan ako sa kwento mo hija" The priest said.

"Ako po si Madam Waka father, ang Sex-guro ng 99.9 almost perfect radio at puro kamunduhan ang tinatalakay sa programa ko. Gaya po ng sinabi ko, trabaho ko po iyon pero hindi ko gusto kailanman na maging impluwensiya  ng mga makamundong bagay sa mga tagapakinig"

Sa narinig ko ay napatingin ako sa kumpisalan. I swear I was interested to see that Madam Waka in person.

Pero tinapik ako ng isang tao and it was Abuelo.

"Azul" he said at mataman akong tinignan.

"Abuelo" I answered.

"Nandito ka pala, halika at ipapakilala kita sa bagong madre superior dito" sabi nito at saka nagpatiuna ng maglakad. Tinignan ko ang kumpisalan pero hindi pa tapos ang pangumgumpisal ni Madam Waka kaya malabong lumabas ito.

"Azul, camina mas rapido" Abuelo said na ang ibig sabihan ay bilisan ko daw maglakad. Iniumang pa nito ang tungkod sa gawi ko. Nakakalakad naman ito pero madalas ay sa wheelchair nito ito nakaupo maliban ngayon.

I sighed, at muling tumingin sa kumpisalasan saka sinundan si Abuelo.

Pero naiisip ko pa din kung ano ang ginagawa ni Madam Waka dito sa lugar namin. Taga dito ba siya? My sister Rosie will never believe me if I told her that I've almost met that famous Madam Waka.

"Malalim ang iniisip mo, gusto mo bang mangumpisal?" Abuelo said kaya napatingin ako sa kanya.

"What is it Azul?" he encouraged me to speak.

"Ang bahay sa talampas Abuelo, bakit mo hinayaang matirhan ng ibang tao?

" Iyon ba ang pinoproblema mo?"

" Hindi naman ho problema 'yon---"

" Hindi naman pala so ano ngayon ang sinisintir mo diyan? "He cut me off.

Hindi ako nakaimik. "Azul, that house needs attention, ayaw ko man sa mommy mo ay alam kong di mo gugustuhing makita ang bahay kung saan kayo lumaki na  masira ng tuluyan"

"Pero Abuelo"

"Maayos na pamilya ang pinatira ko doon at naalagaan nila ang bahay"

Hindi na ako nakipag argomento pa, Abuelo will always be right anyway. Hanggang sa nakaalis kami sa simbahan ay di na ako umimik. "Bukas pamahalaan mo ang pagpitas ng mga niyog at pag ani ng mani"

I just nodded kahit na kating kati na akong bumalik sa Manila. Anyway isang linggo lang ang balak kong pagtitiis ko dito. I can leave soon.

Nauna na akong umuwi dahil may ibang lakad pa daw ang Abuelo.

I went to the kitchen to get a drink at namataan ko din si Rosie doon na may ini-itak na kawayan.

"What's that?" I asked kasi nagpapakahirap pa siyang buksan ang kawayan na sunog.

"Tinubong daw" she answered at ibinigay sa akin ang itak.

"Pagkain yan Kuya, paki hati nga" She chuckled.

"Saan mo naman nakuha ito? Baka malason ka nito" I said at saka tinignan kung paano ko hahatiin ang kawayan.

She chuckled."Nag Manila ka lang umarte ka na"

"Hindi pagiging maarte ang pamimili ng kinakain Rosalynn"

"Tell me kuya, how does it feel pag nangangain ka ng madaming mani, hindi ba  mas dirty iyon?"

"Ang mani hinuhugasan Rosie" I said but she just giggled.

"What the hell?" I asked when I realized what she was asking. "Rosalynn 'yan ang napapala mo sa pakikinig kay Madam Waka" I said.

"Huwag mo ngang isinasali si Madam Waka dito kuya" She laughed heartily. "Ikaw nga itong dirty eh puro ka kain ng mani, akin na nga yang tinubong ko and take note mas malinis ito sa mga mani mong sinisibasib" she added.

"I almost met her" naiiling nalang na sabi ko.

"Who?"she asked at saka kumuha ng kutsara.

"Madam Waka, she was in the church earlier"

"Omg, nagsimba ka?" She said.

"Did you hear me? Si Madam Waka nasa simbahan kanina."

Kumurap ito. "And?" Mamya ay sabi na nito, curiosity was in her eyes now.

"Hindi ko nakita, nasa kumpisalan. I overheard her saying her identity to the priest"

"Oh shocks kuya, ang sabi nila maganda yung sex-guro na 'yon, sayang di mo nakita"

Tumikim narin ako ng tinubong na sinasabi niya.

"If she is from here at kung talagang maganda, I will meet her soon, alam mo naman ako magnet ng mga magaganda"

"Yabang mo kuya ramdam na ramdam oh" she said at nanginig pa kunwari.

I ruffled her hair and carried her upside down.

"Marunong ka ng mang inis ha Rosalynn" I  said while tickling her knees.

"Hahaha, Kuya put me down, OO ikaw na ang gwapo, ikaw na ang mayaman ikaw na ang perfect" sigaw nito kaya ibinaba ko na.

"At ikaw na ang dirty" She said and ran off.

Natawa nalang ako at saka muling sumubo ng Tinubong.

Wanted Sex-GuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon