Kabanata 5

2.9K 314 23
                                    

WSG#Kabanata5

Magandang morning Madam Waka is here! Nag-almusal na ba kayo mga Wak-wak Nation! You heard it right! Wak-wak daw ang tawag sa mga wakanians! Hindi ko keri ito, nabasa ko lang sa IG comment! Alam niyo hindi kayo nakakatuwa! Hahahahaha, ginawa niyong aswang ang mga sarili niyo enebeyern! Anyway balik sa usapang almusal alos onse singkwenta sinco na kung hindi ka pa nag aalmusal aba mananghalian ka na! Hahahahahaha."

"Ngayong araw may matipuno tayong panauhin si Boss Al, kung hindi niyo pa siya kilala eh di wow! Hahahaha, aray ko binatukan ako ni Boss! May ganunan?"

"Ang ingay mo madam Waka" a baritone voice was heard on the air.

"Good morning Boss Al bakit ba isiniksik mo ang sarili mo sa limang minuto kong pagso-solo?" Natatawang sambit ni Madam Waka.

I rested my head on my car's headrest, nandito kasi ako sa sasakyan ko at papunta ako ngayon sa manihan, kakadalaw ko sa lupain namin ng mga niyog. Nataon lang na umere itong si Madam Waka kaya pinakinggan ko muna.

"Pagso-solo talaga?" Natatawang sambit ng lalake.

"Boss Al may katanungan ka ba? Itanong mo na para masagot ko! Hala siya mga wakanians si Boss Al nagba-blush! hahahahaha"

"Nandito lang ako para mag-announce hindi para nagtanong Madam Waka" Natatawang sambit ng lalake.

"Oh sige na nga defensive ka baka sisantehin mo pa ako pag di kita pinayagan" Madam Waka laughed again.

"Congratulations Madam Waka dahil magkakaron ka ng 5:55 segment in two weeks time!"

"Homaygosssshhhh!" sambit ni Madam Waka, kumunot ang noo ko, so twice a day na siya mag o-onair?"

"Ano ang masasabi mo Madam Waka?" Her boss asked.

"Boss Al, isa kang pahirap sa lalamunan! Hahahaha pero salamat sa good news, Oh mga wakanians mas madami ng katanungan ang masasagutan ng kabalbalan, hang on I will cum este come"

Nagtawanan pa sila ng boss niya sa ere.

"Bago matapos itong limang minuto mo, may naisip akong itanong" Ani ng lalake.

"Oh pickle minded boss? I like that!" bigla ay umakit ang boses nitong sabi. She has her way of transmitting heat to her listeners.

The man laughed "Madam Waka, ilang taon ka na ba? Marami kasi ang nagtatanong eh"

"Boss Al, wala namang personalan! Hahahaha"

"Ok mga Wak-wak nation and wakanians as her boss ako na ang sasagot. Madam Waka is young, she's only 12"

"Boss? Under-age na balahura ang bibig? Huwag ganoon! Hahahaha" Sagot ni Madam Waka.

Tumawa ang boss niya.

"I am 21 peeps, of legal age and self proclaimed expert, wala sa edad ang kaalaman nasa paligid yan hahahahaha! Hala babush na walang overtime pay ito! Saka na ang mga tanong niyo! Salamat Boss Al!

"Salamat din Madam Waka"

Ito po si Madam Waka ang inyong sex-guro. Hindi sex guru, makaiba iyon hanggang sa muli. Tandaan contraception is better than delayed pak ganern!

Napangiti kong pinatay ang radyo ng kotse ko at pinasibad patungo sa manihan.

Mas maluwang ang lupain ng manihan kaysa sa niyog-gan. Kumpara sa niyog ay mas malaki ang ROI ng mani kasi ineexport ito sa Europe. Balita ko umaabot sa 18€ and more per kilo ang bentahan sa mga supermarkets doon. Not that I care how much they sell it there ang importante naman ay malaki ang kita ng rancho.

Madadaanan muna ang sunflower farm kung saan naka direkta sa sikat ng araw ang mga bukaklak na nagsisilakihan. The surroundings are all yellow and it was peaceful to see. Sa kabilang dulo ng sunflower farm ay ang pabrika para ma-extract ang Oil galing sa nasabing bulaklak.

Narinig kong kumalam na ang sikmura ko kaya dumeretso na muna ako sa pabrika. Sa lahat ng mga gusaling ipinatayo ni Abuelo dito ay doon ang may maliit na kainan para sa mga tauhan.

"Ay si Sir" Narinig kong sabi ng isang matanda.

Binalingan ko ito matapos maisara ang sasakyan at nakilala kong si Aling Melba ito ang asawa ng driver ni Abuelo.

"Kakain po kayo Sir?" she asked at sinabayan ako papasok sa pabrika.

"Oho eh, nagugutom na ako"

"Halika Sir ako na ang mag aasikaso sa inyo" she said kaya tumango nalang ako.

The moment we stepped inside the mini canteen ay biglang natahimik ang lugar.

"Pasensiya ka na Sir, di lang sila sanay makakita ng gwapo" hagikgik nito kaya natawa narin ako.

As much as possible ay gusto kong hindi sila mailang sa akin pero halata namang ilag sila at ni hindi sila makatingin ng matagal sa akin.

"Sabayan niyo na ako Aling Melba" I said matapos niyang mailapag ang pagkain sa harap ko. Dahil daw miyerkules ngayon kaya puro adobo ang pagkain sa canteen.

"Magtatagal ba kayo dito Sir?" she asked after a while.

"Not really, pinapatulong lang ako ni Abuelo pansamantala dito"

She was saying something when I saw twins running inside at habol-habol sila ni Aling Bebang.

Napalingon naman si Aling Melba sa tinitignan ko.

"Ah si Bebang, wala na naman siguro maiwanan sa mga kambal" Aling Melba said.

"Bebang" She called the woman at medyo alangan man ay tinungo ni Aling Bebang ang mesa namin.

"Ako na ang bahala sa kambal, sasama ka ba sa manihan mamya" Aling Melba asked.

"Magandang tanghali Sir" bati muna nito sa akin bago bumaling kay Aling Melba.

"Naku hindi, dadalhan ko lang ng pananghalian ang dalaga ko kasi galit yun sa araw eh, nagpapaitim kaya imbes na kumain panigurado magbibilad iyon"

"Sumana ba siya sa manihan?"

"Oo eh kaya iwanan ko na muna sana saiyo ang kambal"

"Ako na ho ang magdadala ng pagkain ng anak niyo" boluntaryo ko.

"Naku nakakahiya Sir, ako na" tanggi ng Ale.

"Doon din naman ang punta ko, I insist" I said at saka inilahad ang kamay ko para kunin ang plastic lunch box na dala-dala nito.

"Ay nako salamat kung ganun Sir" abot nito sa dala.

"Ano bang pangalan ng anak mo?" I asked, nabanggit na ito ni Rosie sa akin pero sadyang mahirap bigkasin at nakalimutan ko na din.

"Shakira po, makikilala mo po agad yun kasi siya lang ang paniguradong hindi nakabalot ang katawan kahit na sobrang init ng araw"

Tumawa si Melba. "Kakaiba iyang anak mo aba kami dito gusto magpaputi samantalang siya gusto magpaitim"

"Ewan ko ba doon, ayaw maniwalang nakaka-cancer ang laging nasa arawan" napapiling na sabi nito.

"Oh siya Melba alis na ako at tumakbo na palabas yung kambal. Salamat ulit Sir" she said and left.

"Nakilala mo na pala si Bebang Sir?" Aling Melba asked.

"Oho naipakilala na ni Rosie"

"Bago lang kasi sila dito Sir kaya kaunti lang ang kakilala at kaya bihirang magtiwala si Bebang na iwanan ang kambal niya sa kung sino sino lang. Makukulit kasi ang kambal"

I just nodded and finished my drink. "Alis na po ako aling Melba" I said at saka binuhat ang pagkain ng anak ni Aling Bebang.

"Oh sige ho Sir, baka nasa talon si Shakira ngayon at nagbibilad sa araw"

I just nodded and left. My imagination started to work. I am imagining a girl without a face but with a perfectly contoured body in two piece. Pero malabong mangyari yata kasi nasa probinsya ako. Kadalasan mga Maria Clara ang mga babae dito.

Nevertheless I was excited to meet this Shakira, dressed or undressed.

Wanted Sex-GuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon