Kabanata 1

4.7K 263 8
                                    

Disclaimer:

Similarities in every aspect to anything you may have read is purely coincidental.

~~~~

WSG#Kabanata 1

Kumusta mga virginella at feeling virgin kong tagapakinig. Welcome to yet another 5 minutes of Madam Waka's teachings. Oh diba ang taray! Teachings talaga! Hahaha!

Pasensiya na sa aking boses, nag concert kasi ako kagabi kaya alams na! Hahaha!

Ang napili kong tanong for today ay galing kay Jasmine the flower.

Naloka ako sa name mo hija, may Jasmine the tree ba kasi? Ewan ko sa'yo. Hahahaha

Ok going back, ang tanong ay:

"Madam Waka ano po ba ang self preservation?"

Ay bongga ang tanong, nakaka nosebleed!

Hahahaha, heto na serious mode tayo Jasmine the flower.

Self preservation? Madali lang makinig ka.

Ayon sa utak ko, self preservation is preserving yourself to the person you want to marry. Ganern!

Pero, ngunit, subalit datapwat, paano pala kung wala kang balak magpakasal?

Paano na?

Are you going to preserve yourself intact and untouched for the rest of your life?

Sayang ka naman. Hahahaha.

Explore life, explore your feminity.

Pero tandaan be safe! Buy condom for your target partner hahahaha.

Ito po si  Madam Waka ang inyong sex-guro. Hindi sex guru, makaiba iyon hanggang sa muli. Tandaan contraception is better than delayed pak ganern!


Ayoko sanang pakinggan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nilipat ang istasyon ng radyo.

I am in the middle of traffic at ang bunganga at halakhak ng Madam Waka na ito ang kasama ko sa gitna ng kalsada.

I looked at the time. Saktong alas dose ng tanghali. So that means 11:55 ang schedule niya. I looked at the frequency of the station at sa 99.9 Almost Perfect radio ito.

May katuturan naman ang sinabi niya, hindi na uso ang virgin ngayon. Endangered species na sila.

At clingy. Nagpatira sa'yo tapos gusto panagutan mo!

Classic.

Narinig kong may tumatawag sa cellphone ko kaya nawala ako sa isiping Madam Waka.

"Beth" I answered my secretary.

"Sir paluwas na po ba kayo sa probinsya?"

"What are you talking about?" I asked.

"Naku sir, nakalimutan ko kayong i update. Gusto kayong makita ng abuelo niyo"

"Did something happen to him?"

"Wala po. Naglalambing lang"

Pag sinabi na ni Beth na naglalambing lang ang abuelo ko ay isa lang ang ibig sabihin non. I must go visit the oldman.

Wala sa sarili akong nag U-turn papunta sa probinsya.

Here we go again.

~~~

AZUL hanggang sa dulo ng natatanaw ng mga mata mo ay ang magiging pag aari mo balang araw.

Si, Abuelo. Tanging tango ko lang. Paulit ulit nalang niyang sinasabi ito. Memoryado ko na.

At hati naman kami ng kapatid ko eh.

"Huwag kang magmamana sa ama mong tonto!" May pait na kasama ang boses niya.

Nakikinig lang ako. Hindi ko ugaling sabayan ang drama ng Abuelo ko. Pag sinasagot ko kasi ito ay masasambulat lang niya ang buong nakaraan.

Inuulit lang niya na parang libro.

"Bueno" sabi nito at itinaas ang baston. Kaugalian niyang ang ibig sabihin ay kailangan ng lumapit ang kanyang taga alaga.

Pag ganito kasi na naguusap kami, hindi dapat umaaligid ang kahit na sinong trabahador ng pamilya.

"Kumusta ang kumpanya?" Mamya ay sambit nito habang hindi pa nakalalapit ang kanyang lisensyadong nurse.

"Ok naman po"

"Bueno, bueno" sabi nito at di na muling umimik pa.

"Diretso na tayo ng mansion" he said to no one in particular. Tinutulak na siya sa kanyang silyang de gulong.

"Kailangan ko na pong bumalik ng Manila"

"Wala akong narinig Azul. Gusto kong tulungan mo muna ang kapatid mo dito sa Hacienda, sabi mo ok lang ang kumpanya sa Manila"

"But abuelo--"

Itinaas niya ang baston niya, shutting me off.

Mukhang walang sexcapades for me for the next few days.

~~~

"Kuya" magiliw na bati ni Rosie sa akin nang makita niya ako bago ako niyakap.

"Saan ka natulog kagabi?" I asked.

"Binantayan namin si Simona, nagle-labor kasi kahapon tapos sumabay pa si Violeta kaya hayun may dalawang bagong baka ang bakahan natin, magiliw na sabi nito."

Rosie loves animals kaya hindi na nakakapagtakang magbabantay ito magdamag para magpaanak lang ng baka.

"Ang abuelo?" She asked.

"Nasa kwarto na, nagpapahinga"

"Maliligo lang ako, dadalhin kita sa bakahan, you need to see the new members of the family." She said at saka ako iniwan.

Nagtyaga nalang akong naghintay sa kapatid ko at pahinamad na umupo sa sofa, then I heard one of the help.

"Dalian mo na Tess, oras na ni Madam waka"

I frowned. Are they referring to the sexGuro?

Pumunta tuloy ako sa kotse para mapakinggan ang sermon niya ngayong araw sa radyo ng kotse ko.

"Hello mga virginella at feeling virginella kong mga tagasubaybay! Madam Waka time of the day na.

Ang tanong ngayong araw ay galing kay Sana dalawa ang puso ko.

Dalawang pempem ayaw mo? Hahahaha. Bakit ganito mga pangalan niyo? Kahapon si Jasmine the flower.

Oh diba nakakatanga? Hahahaha.

Joke lang po sana dalawa ang puso ko, baka dibdibin mo.

Ok ang tanong niya:

"Madam Waka, talong o pipino?"

Jusko ko,sana dalawa ang puso ko ang hard ng tanong mo.

Ang sagot ko dyan! Depende sa size at budget. hahaha!

Hanggang bukas! Ito po si  Madam Waka ang inyong sexGuro. Hindi sexGuru, makaiba iyon hanggang sa muli. Tandaan contraception is better than delayed pak ganern!

Nailing nalang ako nang nawala siya sa linya. Bored na bored na siguro ako at pati ang Madam Waka na ito ay pinagtatyagaan ko.

I tuned off the radio when I saw my sister coming.

"Shit, di ko naabutan si Madam Waka" she laughed nang buksan niya ang radyo.

Pati ba naman siya?

"Who is Madam Waka?" I asked.

"No one knows kuya. Her identity is confidential ayon narin sa radio station"

Now I am getting curious.

Wanted Sex-GuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon