For The First Time: Introduction

4.4K 43 15
                                    

"Are those your eyes? Is that your smile? I've been lookin' at you forever, but I never saw you before. Are these your hands holdin' mine? Now I wonder how I could of been so blind."

Sa buhay natin, marami tayong taong natatagpo, nakikilala. Pero may mga taong talagang tatatak sa isipan at puso natin. Mga taong bigla-bigla na lang dumadating sa buhay natin. Mga taong sa simula ay hindi mo naman napapansin o inaakalang magiging malaking part ng buhay mo.

Ang salitang love, na binubuo lamang ng apat na letra, na siguro ang pinakakumplikadong bagay sa mundo. Hindi natin alam na "love" na pala yung nararamdaman mo hanggang sa wala na 'yung tao. Sa simula raw kasi, hindi mo agad mararamdaman yun kasi ang "love" daw, develops eventually. Kaya nga lang, hindi lahat ng love ay pang-dalawahang tao. Meron kasing one-sided love at unrequitted love.

Sabi nila, first love never dies. Pero ang totoo niyan, true love ang hindi namamatay. Pa'no kung dumating na nga siya pero sa iba ka naman nakatingin? Pa'no kung hinihintay ka niya pero iba naman ang hinihintay mo? At  nung dumating naman yung oras na na-realize mo yung halaga niya, wala na siya. Mahanap mo pa kaya ang true love mo?

Sa istoryang ito, mararanasan ng isang tao kung pa'no umibig at pa'no maging masaya. Pero eventually, aasa at masasaktan siya. Ang pag-ibig kasi na 'yun, hiniram lang at panandalian. Sa di inaasahang pagkakataon, matututunan niyang mahalin ang taong hindi niya ini-expect na magiging malaking part ng buhay niya. For the First Time, nalaman niya ang ibig sabihin ng "love". For the First Time, naranasan niyang masaktan. For the First Time, natuto siyang mag-let go.

For The First Time (Krisjoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon