Chapter 18: Jealousy

1K 11 10
                                    

Cheska's POV

Ang wirdo ni Lorence ngayon. Ewan ko ba, epekto ata ng pagpapanggap namin. Hahaha! In fairness, nagta-try siyang patawanin ako. Hindi man halata kanina, gusto ko na ngang tumawa eh sa sobrang ka-kornihan niya. Kaya lang syempre, nagpigil ako, baka kasi ma-offend ko na naman siya. Sigawan na naman niya ako. Ewan ko ba... These days, nagiging magaan na rin ang loob ko sa kanya kaya iniiwasan kong magtampo o magalit siya sa'kin. Masaya na kasi 'yung okay kami kahit nag-aasaran at nagbabarahan. Mas lalo ko siyang nakikilala... mas lalo akong napapalapit sa kanya.

Teka... Ano ba 'tong iniisip ko?! Haay, kailangan ko pang gawin 'tong report ko ngayon. Buti na lang at dito ako sa may Starbucks tumambay. Siguradong kukulitin at guguluhin lang ako ni Lorence kapag nasa Boarding house lang ako. Okay, Cheska... Focus ka muna...

After almost 3 hours, malapit ko ng matapos ang report ko for tomorrow. Wow ah! Na-haggard ako dun ah! Buti na lang! Kaso.... Sh*t! Biglang na-off ang laptop ko! Oh my God! Hindi ko pa naman na-save! Waaaaa, mamamatay na ako!

Cheska: Patay! Patay! Patay! Bakit kasi bigla kang nag-off?! Pa'no na 'to?!

Aaron: Is everything alright?

Cheska: A-Aaron! Anong-- anong ginagawa mo ---

Aaron: Aahh, wala. Napadaan lang. Okay ka lang ba?

Cheska: Aahh -- Actually hindi eh. Nag-off kasi bigla yung laptop ko tapos hindi ko na-save 'yung report ko for tomorrow. Haay, ang tagal ko pa namang ginawa 'yun.

Aaron: Ganun ba? Can I -- Baka may maitulong ako.

Cheska: Di, okay lang. Baka nagmamadali ka eh.

Aaron: I'm not. I mean... Mamaya pa ako uuwi. So, can I try it? Baka ma-recover ko pa.

Matapos niyang kalikutin ang laptop ko, na-recover niya ang files ng report ko. Thank God at nandito si Aaron! Haaay, muntik na yun ooh!

Cheska: Uuh, Aaron. Salamat ah. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at na-recover pa yung files ko. Thank you talaga!

Aaron: Wala 'yun.

Then we became quite. Medyo awkward kasi ngayon na lang ulit kami nagkita at nagkausap.

Aaron: Ano kasi... I wanted to... apologize.

Cheska: Apologize sa'n?

Aaron: I don't know if.. big deal sa'yo. But I know na naging rude yung sinabi ko sa'yo that time. Sorry.

Cheska: Ahh. 'Yun ba? Wala 'yun. Hindi mo naman kasalanan 'yun eh. Kasalanan ko na 'yun kung nag-assume ako.

Aaron: 'Yun na nga eh.. The truth is.. I wasn't sure that time.

Wasn't sure? Ano 'tong sinasabi ni Aaron?

Aaron: I admit... I like you. But... something pulled me back. I realized na... na hindi pa ako handa. I'm sorry pero.. pero...

Okay, that's it. His words... Here are his words again. Hindi ko alam... Parang ang sakit kapag galing sa kanya... He likes me... Pero hindi niya kayang panagutan 'yun.

Cheska: Alam ko na yun. Wala 'yun. Siguro... siguro... hanggang dun lang talaga.

Aaron: Sorry, Cheska. Nung niyaya kitang mag-date. That was the time na akala ko, ready na ako ulit. I was so excited. But then, I saw her. At nung makita ko siya, napa-isip ulit ako. I'm sorry. I'm so sorry.

Cheska: Okay lang, ano ka ba! Ang mabuti nga dun, sa simula pa lang, inalam mo na bago may masaktan.

Aaron: I asked her for a second chance and this time, hindi na ako papayag na... mawala pa sya sa'kin.

For The First Time (Krisjoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon