Chapter 2: The Boardmate

1.2K 20 5
                                    

Walang ilaw at madilim ang buong paligid kaya magtinginan man ang dalawa, hindi nila namumukhaan ang isa't isa.

Cheska: Ako yung tenant dito! Ikaw?! Magnanakaw ka noh?!

Lorence: (Sinasarado ang pintuan) Sandali nga lang! Lumabas ka nga muna!

Cheska: Hoy, teka! (Kumakatok) Lumabas ka dyan! Akala mo matatakasan mo ako! Magnanakaw!

Lorence: Wag ka ngang maingay! Iihi lang ako!

Cheska: Ihi ihi! Palusot ka pa! Buksan mo 'to! Buksan mo! Di ka makakatakas! Buksan mo sabi ---

Binuksan na ni Lorence ang pintuan.

Lorence: Ang ingay mo! Pwede ba?!

Cheska: Sino ka ba?! Anong ginagawa mo rito?!

Lorence: Tenant ako rito!

Cheska: Teka, nagkakamali ka ata! Ako ang tenant dito!

Lorence: Sorry ka na lang. Nauna ako sa'yo.

Cheska: Ha? Pa'nong nangyari 'yun?

Lorence: I guess I'm your boardmate. (Nakikipagkamay)

Tiningnan lang ni Cheska ang kamay ni Lorence.

Cheska: Pwede maghugas ka muna ng kamay?

Lorence: Wag na lang. Di na ako makikipagkamay. (Naglakad palabas ng CR)

Cheska: Yabang. Hoy, halika nga rito. Mag-usap tayo. (Hinabol si Lorence)

Lorence: Ano na naman ba?

Cheska: Alam mo, hindi tama 'to eh. Kinuha ko 'tong boarding house for my own. Wala akong kahati rito.

Lorence: Talaga? Eh anong tawag mo sa'kin?

Cheska: (Napipikon) Mister, lasing ka ba? Sabi ko, akin 'tong unit. Baka naman sa kabila yung sa'yo.

Lorence: Imposible. Kahapon pa ako nandito. Ang totoo nyan, hindi ko alam na ma kahati rin ako.

Cheska: Hindi eh. Mali talaga eh. I want privacy, okay? Kaya ko kinuha 'to dahil gusto kong mapag-isa.

Lorence: Good. Ako rin.

Cheska: Hindi mo naiintindihan! Pa'no ako magkakaroon ng privacy kung may kasama ako?!

Lorence: Eh di makakaalis ka na.

Cheska: Baliw ka ba?!

Lorence: Alam mo ang ingay mo! Pwede ba? Wag ka sa'kin magtanong kasi biktima lang din ako. Ang ingay! (Pumasok sa kwarto)

Lorence's POV

Ang sakit ng tenga ko! Para namang ambulansya yung bibig ng babaeng yun! Haaay, makahiga na nga lang. Pag minalas naman oh. Ngayon lang nagsink-in sa'kin na may kasama pala ako sa boarding house. Grabe, kaya nga ako umalis ng bahay so that I can live by myself. Haaay. Kasi naman 'tong si Daddy, mula ng nawala si Mama, utos dito, utos diyan. Buti na lang nakalayas na ako sa impyernong buhay na yun. Pero mukhang may isa pa akong problema -- yung babaeng yun. Siraulo talaga yun si Marco! Sabi niya solo ko 'tong unit, hindi pala. At babae pa! Hmm. Babae? Kailan pa ako tumanggi sa babae? And besides, di ko pa naman siya masyadong namukhaan. Para naman kasi kaming anino kanina habang nagsisigawan. Nakakatamad kasing i-switch yung ilaw. Ano kayang itsura niya?

Tok tok!

Cheska: Hoy! Lumabas ka dyan, kausapin mo ako!

Lorence: Ayoko. Bukas mo na ako talakan!

For The First Time (Krisjoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon