Hallie Point of ViewMaaga akong gumising dahil marami pa akong gagawin bago ako pumasok
Aaminin ko nahihirapan ako sa mga gawain dito sa bahay nila pero wala naman akong choice, saan ba ako pupunta kung aalis ako dito wala naman diba nu wala nga akong kaibigan e maliban kay Jay
Tapos ko na gawin ang mga gawain ko, pumunta ako sa banyo para gawin ang daily routines ko. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako, hindi pa gising sila Lily kaya wala sa aking mang-aaway ngayon, awan ko na lang pagdating ng school. Hindi na din ako kakain kasi pupunta pa akong library para mag-aral, marami akong gusto malaman
Lumabas na ako sa bahay at naglakad papunta sa school, oo tama kayo naglalakad lang ako wala naman akong maraming pera para magtaxi o magtricycle, meron lang akong 123,159,357,258,456,654,951,753 yan lang pera ko sa bangko, bahala na kayo pero yan lang talaga ang pera
Ilang munto akong naglakad at ngayon nakadating na ako dito sa school
Papasok pa lang ako ng gate tambak na agad ng husga sa akin ano naman sila ay napakalinis yung parang kasing puti ng pakpak ng anghel ang budhi nila
Tss
Hindi ko na lang sila pinansin dahil masmahalaga pa ang oras ko sa pagbabasa kaysa sa mga panghuhusga nila
Pagpunta ko sa library kinuha ko na agad ang kailangan kong basahin para sa aking gusto malaman, meron akong binabasang math, english, science, lahat yan gusto ko kaya nga nakuha akong scholar diba
Meron pa akong 3 hours para magbasa okay na to sa akin kaya ko ng tapusin ang libro na to sa 3 oras
Habang nagbabasa ako pakiramdam ko may nagmamasid sa akin pero hindi ko na lang pinakialman wala namang akong gagawin sa kanila
Natapos ang 3 oras ko sa pagbabasa lahat ng binasa ko nasa utak ko ayaw lumabas hahahaha, pumunta ako sa locker ko at inilagay ang ilang gamit para hindi ako mabigatan, pumunta ako sa bulletin board para tingnan kong ano ang section ko
Salamat naman at section Ace ako, sabi nila yon daw ang pinaka may matatalinong students
Pumunta na ako sa classroom ko dahil baka malate ako, pagdating ko dun kakaunti pa lang ang tao
Ang taong nandito ay may
Coloring books
Nerds na katulad ko
Kulang ang turnilyo sa utak
Madaldal
MakulitYan ang mga tao dito pero hindi ko na lang pinansin pumunra ako sa dulo at pumwesto sa katabi ng bintana
Dahil sa bagut ko kinuha ko ang libro ko at nagbasa, wala naman akong pakialam sa mga students dito
Ilang minuto pa ang nakakaraan may pumunta sa harapan ko, itinaas ko ang ulo ko para makita kong sino
Kasama sya sa taong coloring books
"What's your name?" maarteng sabi nya
"Why are you asking?" balik tanong ko sa kanya
"Just answer my question" naiiritang sabi nya
"Ziolet" cold na sabi ko at tumingin ulit sa libro ko
"Are you scholar?" interview ba to
Hindi ko sya sinagot, hindi sya banal sa pagkakaalam ko, nagbabasa pa rin ako
"I'm Zaerine, I'm queen---"
"I'm not interested" boring kong sabi, may bulungan naman akong naririnig pero mukang hindi na bulungan
"Hala lagot sya kay Rine"
"Oo nga, hindi nya talaga kilala kong sino ang kaharap nya"