Chapter 4: Illusyon or Real

8 1 0
                                    


Jallion Point of View 

Nandito ako ngayon sa aking kwarto nag-iisip kong makikita ni Ice si Zi pero hindi ako mapakali. Halos kanina manghina ako alam kong may nangyaring hindi maganda kay Zi

Ringgggggggggg

May tumawag kaya agad kong sinagot

"Prince Jallion may nakakita po kay Princess Hallie sa mortal world" sabi sa kabilang linya

"Saang lugar yan?"

"Sa isang malaking mall prince"

"Okay" at pinatay ko na ang tawag

Agad kong kinuha ang aking relos sa lamesa at bumaba sakto namang nandito lahat maliban kay Ice

"Saan ka pupunta?" tanong ni Leirra

"May nakakita daw kay Zi sa mortal world, ako na lamang ang masusundo sa kanya" sabi ko habang papunta sa pintuan

"Pero hindi ba sabi ni Ice meron na syang nakitang kamuhka ni Zi baka mamaya dala na nya yon" sabi naman ni Kayheal

"Pero gustk ko ng makita ang kapatid ko kaya walang makakapigil sa akin at baka magkita na kami don ni Ice" sabi ko at tuluyang lumabas

Habang maglalakad ako ang daming bulungan pero hindi ko yun pinapansin dahil ang inaalala ko ngayon ay kong sasama ba sa akin ni Zi. Baka tanungin nya ako kung bakit ko sya iniwan, kung bakit ko sya pinabayaan hindi ko alam ang gagawin ko kapag nanyari yon baka ikamatay ko

Gumawa agad ako ng portal para makalabas at makapunta sa mortal world para makuha si Zi

---

Nandito na ako sa sinasabing mall nung tumawag sa akin pinagmasdan ko at ang mga tao kong na saan ang kapatid ko, lakad ako ng lakad hanggang sa may nakabungguan ko

"Naku pasensya na po, hindi ko po sinasadya kuya" bigla akong nanigas sa boses na yon

"Zi?" gulat kong tanong

"Paano nyo po ako nakilala?" fvck sya nga

"Hindi mo ba ako nakikilala Zi, ako to kapatid mo kakambal mo" sabi ko

"Naku kuya pasensya na baka hindi ako yun hindi tayo magkamukha pati kuya totoong anak ako ng mga magulang ko kaya pasensya na hindi ako ang sinasabi mong kapatid mo" sabi nya sabay alis

Bakit hindi nya ako nakikilala, bakit parang wala syang pakialam sa akin, hindi ba talaga sya ang kapatid ko. Nasaan ka na ba talaga Zi, bakit mo ko pinahihirapan ng ganito

Pinapangako ko pagnakita kita hindi na kita papabayaan, hindi ko na ulit gagawin ang pag-iwan sayo

Malungkot akong bumalik sa gubat pabalik sa immortal world. Habang naglalakad ako papunta sa bahay namin ay may naririnig akong usapan dahil sa hindi ko masyado maintindihan pumasok ako sa pintuan at may nakita akong babaeng nakatalikod

Sino ba to?

"Heyy guys sino yang kasama nyo?" tanong ko sa kanila sila naman sabay sabay nanlaki ang mga mata

Humarap ang babae at sa kinatatayuan ko ay nanigas ako parang may bumara sa lalamunan ko para hindi makapagsalita

"Ice sino sya?" tanong ni Zi, alam kong si Zi to, mukang muka ko sya

"A-e kasi Zi s-sya si Ja" pag-amin ni Ice

"We di nga? Mamatay ka man Ice?" sunod sunod nyang tanong

Ang boses nya katulad sa aming ina hindi ako makapaniwala na nandito na sya sa harap ko, tama nga si Ice buhay pa sya

"Oo nga Zi sya si Ja" sabi naman ni Ryllspeed

"Niloloko nyo ata ako e, hindi ko sya kamuka" kamukha mo ako Zi yana ng gusto kong sabihin pero hindi ako makapagsalita

"Syempre sasabihin mo na hindi mo kamukha e nakasalamin ka tapos nakacontact lens ka pa" sabay sabay nilang sabi

"Wala kayong karapatang sigaw ang kapatid ko" malakas, matigas at seryosong sabi ko

"E pano kasi sya ayaw pang maniwala" depensa ni Leirra

"Wala din kayo sa posisyon Leirra kaya wag na wag nyong sisigawan ang kapatid ko" mahinahong sabi ko na

"Pero ka----"

"Teka nga hindi ko kayo kilala lahat at mas lalong hindi ko alam ang lugar na to kaya please Ice gusto ko ng umalis ibalik mo na ako sa totoo kong mundo please" sabi ni Zi

Tumingin sa akin si Ice na nag-aalanganin kaya naman ako ang humarap kay Zi

"Dito ang totoo mong mundo Zi wala ng iba" diretso kong sabi

"Pero wala akong natatandaan na napunta ako dito, oo ampon ako pero sa panaginip ko lang nakikita itong lugar na to at malalabo ang muka hindi ko makilala kaya alam kong illusyon ko lang to" malakas na sabi nya sa akin

"Hindi ito illusyon Zi totoo to, ang kapangyarihan mo hindi pa lumalabas dahil mas malakas ka sa akin. Pagtama sayo ng blue moon and black moon siguradong lalakas lalo ang kapangyarihan mo kaya bawal kang umalis dito, bawal kang lumabas dahil alam ko nandyan lang ang mga kalaban natin" sabi ko at nagbabadya na ang luha ko

"Pero hindi ko kayo kilala" mahinang sabi nya pero rinig naming lahat

"Ipapagamot kita Zi pangako ibabalik namin ang alaala mo" sabi ni Kayheal

"Please ibalik nyo na ako sa mundo ko kasi wala talaga akong alam sa inyo hindi ko kayo kilala, hindi ko alam ang sinasabi nyo. Isa lamang akong ordinayong tao katulad ng mga umampon sa akin hindi ako katulad nyo na napakalakas at may iba't ibang kapangyarihan kaya please ibalik nyo na ako Ice please" sabi nya habang naiiyak, parang sinasaksak ang puso ko noong nakita ko syang naiyak

"Malalaman mo din ang totoo Zi pangako gagawin namin ang lahat maibalik lang ang alaala mo" mahinang sabi ko

"Kumain na muna tayo para maipunta na sya kay HM Office" sabi ni Elenexa

Pumunta kami sa dinning room para kumain pero hindi maiwasang hindi mapatinggin kay Zi na hindi pa kumakain

"Kumain ka na Zi please para mapadali ang pagpunta natin kay HM" sabi ko

"Hindi ako nagugutom" sabi nya sabay yuko

"Kumain ka pa din" sabi ni Ice

"Hindi pa nga ako nagugutom" sabi nya sabay punta sa sala

"Kayheal may pwede ka bang gawin para maibalik ang alaala ni Zi?" tanong ko

"Isa lang ang alam kong paraan para maibalik ang mga nawawalang alaala" hindi kami sumagot at hinintay ay pagdugtong nya sa sinabi nya "Ang pagkuha ng bunga ng isang makapangyarihang puno na tinatawag ng enchanted tree makikita to sa enchanted forest pero maraming pagsubok ang mangyayari bago makakuha ng bunga nito"

"Hindi ba't delikado yang enchanted forest na yan, meron pa bang ibang paraan?" sabi ni Frañella

"Ang ibang healer na lang ang nakakaalam nun" nakayukong sabi ni Kayheal

"Itatanong ko na lang sa matatandang healer dito" sabi ni Zinkiel

"Sasama na kami" prisenta ni Leirra

"Oo nga kami din" sabi ni Ryllspeed

.................................................

Random Power Of The Long Lost Princess In The MhelZioGuill KingdomWhere stories live. Discover now