Hallie Point of ViewIsinama ako ni Ja sa Academy keneme nila, wala naman akong pakialam sa mga tao dito
"zi nakikinig ka ba?" biglang tanong ni Ja kaya bumalik ako sa ulirat
"Hindi" ikli kong sabi at narinig ko pa ang mahinang mura nya
"Ang sabi ko magkaklase tayong lahat hanggang kaya mo na sarili mo nandito lang kami"
"A akala ko makakauwi na ako e"
"Zi" iritang sabi ni Ja
"Ano?" nag hahamong sabi ko
"Lalo kang hindi makakauwi"
"G*g* ka ba? Alam mo namang hinihintay ako ni best friend tapos hindi mo ako pauuwiin" o hindi na yung pangalan nya ha
"G*g* na kong g*g* sa paningin mo pero hindi ka lalabas dito"
"Adi bahala kayo sa ugali ko" cold kong sabi
Nandito kami sa school na kung saan wala akong alam, pero bigla kong naalala na pwede ako magcutting classes hehehe
"Bawal ka magcutting classes Zi" sabi ni Ja
"Ano ba lahat ba bawal ako sa lugar na to?" irita kong sabi
"Oo bawal ka talaga dito" sabi nung dumating na coloring book kahapon
"Adi Ice iuwi mo na ako ayoko kasama mga 'coloring books' dito" sabi ko aaktong tatalikod
"Anong sabi mo sa amin?" nanggagaliiting sabi nya
"Coloring books" pag-uulit ko
"Aba e g*g* ka pala e" sabi nya at may lumabas na dark power sa kamay nya
Walang sasabi nya akong pinatamaan halos lumuwa ang mga mata ng nakakanuod ng hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.. Tumama ang dark power nya sa balikat ko kaya nagkasugat pero walang epekto yun sa akin
"Yan lang ba ang kaya mong gawin?" pang hahamon ko sa kanya
Hindi sya nagsalita at pinatamaan ako ng napakarami lahat yun tumama sa akin pero wala pa din epekto
"Nerra tama na" malakas na sabi ni Ja
"Ang kapal kasi ng muka, hindi nya ata alam na ako ang queen bee dito"
"Hindi ako interesado sa coloring mong kapangyarihan" sabi ko at ramdam ko ang paghilom ng mga sugat ko kaya ang nakakita ay nagulat
"Ano bang demonyong ipinakain mo sa prince and princess at ganyan ka nila tratuhin?"
"Bakit inggit ka?" balik na tanong ko
"Pag ba sinabi kong oo aalis ka dito at ako papalit sayo?"
"Oo naman ayoko nga makasama ang coloring books diba" maangas kong ngisi
"Okay alis na dito" sabi nya with matching hand chupi pa
"Babye, hoy Ice narinig mo na naman siguro ang sinabi ng 'bagong kapatid ni Ja' kaya tara na ibalik mo na ako sa best friend ko" sabi ko kay Ice
"Huyyy anong bagong kapatid ko, baka gusto mo patayin ko yan sa harap mo?!" nang hahamong sabi ni Ja
"Wag mo patayin, ako na lang para madali" ngisi kong sabi
"Demon ka talaga" sabi nung coloring book
"Matagal na coloring book"
"Huyyy Ziolet Hallie Walter dito ka lang hindi ka aalis tara na" aba buong pangalan yun a, sabay higit sa akin