Jillians POV
After nang lahat ng nangyari umuwi ako sa bahay at nagpahinga kapag inaalala ko kasi lahat ng nangyari nalulubog ko lang ang sarili ko sa kahihiyan. Nasa pag iisip ako ng biglang tumunog ang phone ko.Rhea: Jill busy kaba bukas wala parents ko lilipad sila to Japan wala kong kasama bukas sleepover ka okay lang ba?
Ako: Sige oo naman tayo lang ba?, sama nadin natin si karen para tatlo tayo.
Rhea: sure, ako ng magsasabi kay Kars text nalang kita for update, thanks Jill.
Ako: You're Welcome.
At katulad neto sana wag rin akong magkalat sa bahay nila rhea. Pagkagising ko nag empake nako kagad ng mga kakailanganing gamit for sleepover kila rhea isinama ko na sa bag kong pangschool Jansport naman ang bag ko eii.
Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si mama na nagpupunas ng lamesa."Ma si Chin?" tanong ko kay mama,"wala pumasok na, ikaw di kapa ba late at bakit punong puno ang bag mo?" tanong ni mama," eii papasok napo, inaya po kasi ako ni rhea na matulog sa kanila wala po kasi syang kasama nagpuntang Japan daw kasi ang parents nya." sagot ko.
"Rhea, yung may ari ng villa na pinuntahan mo?" pagusisa ni mama,"opo." sagot ko," eii o sige ilang araw kaba doon, wag masyadong magaslaw sa ibang bahay ahh tsaka magdala ka ng maibibigay mo." paalala ni mama,"ngayon lang naman ma tsaka dont worry kasama ko si karen dadaan ako ng shop sabay kami kukuha narin ako don ng cupcakes." Sagot ko," o sige ingat ka behave ahh." paalala ni mama," opo..." sagot ko.
kakatapos lang ng klase namin naglalakad kami ngayon nila zed at rhea dito sa hallway ng makasalubong namin si mais.
"Ahh Jill sige una na kame, see you." sabi ni zed," sige." sagot ko at naglakad na sila paalis, "hoy sanggano halika nga dito mag usap tayo." singhal nya sakin,"anong sasabihin mo,sabihin mo na!!" singhal ko din sa kanya."yayayain sana kitang mag noodles sa Sapporo eii, ano tara?" sabi ni mais," noodles lang sa Sapporo pa?" sabi ko sa kanya. "oo bat ayaw mo, edi kain nalang tayo nung best known porridge sa Hougang(North-Eastern side of Singapore.) tutal malamig naman ngayon?" yaya nya ulit," ano!? Porridge lang sa Hougang pa, ayoko nga bahala ka jan." sabi ko sa kanya 'itong lalaking to kakain nalang kelangan pa gusto lumabas ng bansa.' ng paalis na sana ako ng hilahin nya ang bag ko," ano kaba niyayaya kita para kumain ayaw mo niyaya kita sa Sapporo tinanggihan mo, niyaya kita sa Hougang ayaw mo rin ano ba talagang gusto mo, tsaka wala ka rin namang ginagawa eii tara na kasi..." pagpipilit nya
"Busy ako may gagawin pako maghahanda ako ng celebration para sa birthday ni karen kaya di ako pwede ayoko." tanggi ko. "Sino bang mahalaga sayo si Karen o ako?" tanong nya,"Si karen. S-sige jan kana ahh una nako." paalam ko sa kanya.
Jaspers POV
Grabe yung babaeng yun wala man lang pagdadalawang isip ni di nya man lang inisip ang mararamdaman ko. Pagkatapos nun ay tinawagan ko si Simon at pumunta sa bahay ni Ryle habang nakahiga di parin maalis sa isip ko yung babaeng kabute nayun kaya napabangon ako bigla.
"Ahh!! ang weird nya diba?, lagi syang umaarte na laging may ginagawa pag inaaya ko sya at twing lalabas naman kami iniiwasan nya ko. Lagi syang may trabaho in ordinary days, ngayong weekend naman, birthday naman ng bestfriend nya..., kung ano pang pakulo kasi ang kailangang gawin, alam mo ba kung ilang part time ang meron sya?, nagdedeliver sya ng milk and breads every morning ano bang akala nya sa sarili nya express...?!" ungot at pagrereklamo ko habang si Ryle nanunuod lang ng favorite nyang palabas na stitch,"tinutulungan ko nga sya para maging madali lahat pero mas mahalaga pa ang kaibigan nya kesa sakin." at nagtaklob ako ng kumot.
Jillians POV
dumaan ako sa shop para sabay na kami ni Karen umalis at makakuha narin sana ng cupcakes. Pagkapark ko ng bike at pagbukas ng pinto hinanap ko agad si Karen nasa cashier sya at nagaassist ng mga customers. Pagkaalis ng isang customer ay nilapitan ko sya habang may kung anong tinatype sya sa keyboard wala naman masyadong tao ngayon sa shop kaya makakausap ko sya halos bilang lang dahil weekend.
BINABASA MO ANG
Meteor Garden 2018
Teen FictionThe story of F4 Casanovas and The Ordinary Girl Apat na nag gagwapuhang lalake na tagapagmana ng sari~sariling kayamanan ang syang susubok sa kakayahan ng iisang babae na syang magpapagulo ng kanilang buhay pagkakaibigan, pamilya, at pagmamahal...