(5):First Day (Week5)

176 30 179
                                    

CHAPTER 5:FIRST DAY

***********************

*Aya's Point Of View*

Napabangon ako sa kama ng dumagundong ang tunog ng alarm clock  sa loob ng silid na ito.

Napangiwi na lang ako sa subrang lakas nito.

"Manang Han"Banggit ko sa pangalan niya ng maalala kung siya ang nag lagay ng alarm clock dito sa kwarto ko.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok dito.

"Tuloy"Inaantok kung sigaw.Pahikab-hikab pa ako dahil inaantok pa talaga ako.

"Buti naman at gising kana"Nilingon ko si manang Teresa na ang syang kumatok.

"Paano po ako hindi magigising? ang lakas ng alarm clock"Ngiwing pag susumbong ko.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"O sya bumangon kana,First day of school mo diba?"Tumango ako sa pinahiwatig nya.

Kinuha ko ang color pink na tuwalya at sabay sibat papasok sa banyo.

***

"Mag iingat kayo"Sigaw nila manangs ng makalabas kami sa gate ng mansyon.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

Handa na sana akong patakbuhin ang motor bike ko ng marinig ko ang boses ni kuya na nasa likuran ko.Nakasakay na sya sa kanyang kotse.

"Aya,hindi muna ako makakauwi mamaya.Baka maghinala si babe at malaman pa ang lihim natin"Pagpapaalam nya sa akin.

"Ayos lang,kuya"Sagot ko naman.

"Wag kang mag alala hindi ka pababayaan nila manangs.Mag hahanap ako ng private place sa University na pwede natin gawing tagpuan"Ngumiti ako ng matamis sa mga sinabi nya.
Bago ko sya tuluyang iniwan,iniwan ko ang katagang ito'Wag kang mag alala hindi ko pababayaan ang sarili ko.Text o tawagan muna lang ako,Bye'

Tuluyan ko na nga siyang iniwan.
Alam ko namang hindi mag tatagal maaabutan nya ako.

Sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang seryuso ang tingin sa daan.

Kinakabahan ako

Kinakabahan ako dahil muli kung nalalasap ang hangin sa kalawakan,Hangin na matagal ko ng hindi nalalasap,Pamilyar na hangin na nag mumula dito sa Pinas.Simula kasi ng makauwi ako dito sa Pinas,isang beses ko lang nalasap ang hangin dahil ayaw akong palabasin ni kuya.Puro hangin lang ng aircon ang aking natatamasa.

Pag nalalasap ko na ang hangin na to,ibig sabihin walang kasiguraduhan na ligtas ako.

Pero wala akong magagawa kundi tatagan ang aking kalooban at wag isipin ang mga negatibong wala namam kasiguraduhan kung mangyayari nga ba.

Ramdam ko na ang sasakyan ni kuya sa likuran ko,kaya lumingon ako dito.Hindi nga ako nagkamali siya nga ito.

Ayaw ko syang kausapin dahil nandito na kami sa lugar na matao.

Gusto ko sanang sabihin na mauna na sya,dahil pansin kung ayaw nya akong lubayan.Napailing iling na lamang ako.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa nya dahil hindi naman gaanong malayo sa village namin ang University na pag mamay-ari namin.

***

Tanaw na tanaw ko na ang matataas na building sa loob ng Bretly Heart University.

Kahit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa tapat ng gate nito,kita ko ang mga students na patuloy sa pag pasok sa loob ng University.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon