(46):Bottle (Part2)

64 3 0
                                    


CHAPTER 46:BOTTLE (Part 2)

***

Third Person POV

"Guys,be ready kasunod na tayo!"

Hiyaw ng isang staff ng makita nyang lumalabas na ang unang kalahok na nag presenta.

"Baby Aya,hindi ka pa ba tapos?"
Lumapit si ate Nella kay Aya na nakatitig sa kanyang repleksyon sa pamamagitan ng salamin.
Titig na titig ito sa kanyang sarili,muli kasi niyang naradaman ang kinang ng kanyang katauhan.

"I'm happy for you because you look okay now"

Hinaplos ni ate Nella ang kanyang buhok at nginitian siya.Alam ng mga ito kong ano nangyari sa kanya noon.

"Thank you!"Lumabas lamang sa kanyang bibig.
Muli silang nakarinig ng boses sa labas kaya nag lakad na sila palabas dito.
Nakahanay na ang bawat model.
Unang model na kanilang gagawin ay single,hanggang magkaron ito ng parter.
Napatingin ang lahat sa kanya.Manghang mangha ang mga ito sa taglay nyang ganda.Walang nakakakilala sa kanya bukod sa mga taong minsan na nyang na kasama noon ,lahat kasi ng magazine na siya ang nakacover ay  pinatanggal ng kuya nya para makaiwas sa gulo.

"Handa na ba kayo?"Tanong ni Ate Meyll na tiningnan pa ang suot ng bawat model nya.Napangiti siya ng makita niya ang perpektong pustura ng mga katawan nito na bumagay ang damit na gawa niya.
Kaya panigurado siyang kapansin pansin ang mga ito sa hurado.

Pumalakpak siya ng tatlong sunod habang suot ang malawak na ngiti.

"Sy,ikaw ang unang rarampa ha.Kasunod si Baby Aya hanggang matapos ang first round"Sumang ayon na lamang si Sy kahit iritang irita na siya sa ingay na naririnig.

"Now!Lets proceed to Miss Ammeyll Yjares Design!"

Pagkatapos i-announce ng emcee ang mga salitang yon ay agad tumugtog.

Lumabas mula sa back stage si Sy na nakabusangot man sa una ay nagawa pa rin nitong ngumiti,namataan nya kasi sa hindi kalayuan ang nakangising mukha ni Theo na tila hinahamon at inaasar sya.Kaya bigay todo siya sa pagrampa.

Gusto nyang ipamukha  kay Theo na hindi siya talunan.
Ang walang gana niyang mukha kanina ngayon ay ganang gana na.

Naglakad siya patungo sa left at rumampa ng todo,humanga naman ang mga audience at bumilib sa pamilya Yjares.

Lumipat siya sa Right at doon nya nakita si Theo na malawak ang ngiti sa kanya.Tinitigan nya naman ito at binigyan ng isang ngisi.

"Ano ka ngayon?Eh di nganga ka sa ganda ko?"

Yan ang gustong sabihin ni Sy kay Theo pero hindi niya magawa.Minabuti nya na lamang ang pagrampa.

Bumalik siya sa gitna ng studio at umikot ng isang beses.Tumalikod na siya sa mga audience para bumalik na sa backstage.

Hindi niya alam na may nag mamasid sa kanya sa hindi kalayuan.Malalamig ang mga titig nito,hindi rin mababakasan ng anumang emosyon ang kanyang mukha.

Humanda naman si Aya sa kanyang pag rampang gagawin.Alam niyang makikita niya ang kanyang kapatid dito.
Nang malapit na si Sy ay agad siyang lumabas.

Nakayuko pa sya nong una pero nong nakakatatlong hakbang na sya taas noo nyang pinakita ang kanyang mukha.
Marami ang napasinghap dahil maraming bisita ang nakakakilala sa kanya.

"Shiit!"Napamura wala sa oras si Cl ng makilala nya ang nasa stage.Mabuti na lamang walang nakarinig sa mura niya dahil sa malakas na tugtog.Napairap naman ang dalawang si Leya at Hera dahil galit sila.Dahil kasi kay Aya hindi na sila makakapag model sa studio na gustong gusto naman nila.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon